CHAPTER 29

4.4K 172 8
                                    

LAVENDER




Nandito ako ngayon sa bahay kung saan nakatira si Hecate habang naka-upo lang ako sa isang bakal na upuan at ito naman ay nagbubungkal ng lupa. “Ano ba ang ginagawa mo diyan, Hecate? Ngayon mo lang iyan naisipan ha? Samantala nung nasa mundo mo tayo lakwatsa lang ginagawa mo.” sabi ko at sumimangot naman ito nung tignan niya ako.




“Lakwatsa? Ikaw kaya ang labas ng labas kaya sumasama na rin ako sayo.” she defended so I chuckled.



“Oh etong isang bar ng gold gamitin mo, Lavender sa pambili mo ng gamit mo.” sabi niya at iniabot sa akin ang isang gold bar. Napatulala naman ako at napalunok. “S-saan mo ba iyan nakuha?” iyon ang lumabas sa bibig kong katanungan para sa kaniya. “Padala ng Hari para sayo. Aba kahit nandito ka sustentado ka.” sabi niya sa akin at nung banggitin niya kung kanino galing.




Nawala ‘yung excitement kong tanggapin.
“Ibalik mo na iyan sa kaniya.” malamig kong turan. “Queen, nagbungkal pa ako ng lupa na di ko naman gawain para sayo. Tanggapin mo na lang, Lavender.” may pagmamakaawang sabi niya at ang walangya kinonsensya pa ako!




“Amin na nga.” sabi ko at agad ko itong kinuha sa kaniya pero agad ko ring binagsak sa lupa. “Niloloko mo ba ako, Hecate? Ang tunay na gold, mabigat! Eh eto? Parang walang kabigat-bigat eh.” pahayag ko at napahawak naman siya sa kaniyang labi.



“This is so fucking amazing!” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya na naguguluhan. “Queen, tunay talaga iyan. You don’t feel any heavy right?” tanong niya sa akin at tumango naman ako. “Dahil nasa loob mo ang dugo ng Hari!” sabi niya at agad nag-init ang buong mukha ko.




“Umayos ka!” singhal ko rito. “I mean, dinadala mo ang anak ng Hari, Queen! Iyon ang gusto kong iparating. Dugo niya ang nananalaytay sa batang nasa loob mo, Queen.” sabi niya na ikinatango ko naman.




“Ano ang ibig sabihin non?” tanong ko sa kaniya. Umupo ito sa tabi ko. “May mga abilities niyang taglay mo, Lavender. Iyon ay yung mga basic lang na abilities syempre.” sabi niya. “Tulad ng?” kung bakit may pa-suspense pa si Hecate eh. “Kagaya na lang ito, hindi ka nabibigatan sa ano mang bagay, malakas ang pandinig, pang-amoy at pakiramdam. Iyon ang meron kang kapanyarihan.” sabi niya sa akin na ikinatango ko. “Cool.” I commented.




“For a lifetime ba na ito?” tanong ko sa kaniya at sumilay ang ngisi sa mukha niya. “Nevermind.” bawi ko dahil alam kong kalokohan na naman ang nais niyang sabihin. “Bakit, Queen? Gusto mo ulit magpabuntis sa Hari? Kahit ilan pa ang magiging anak niyo, kayang-kaya iyon buhayin ng Hari.” sabi niya kaya naman tumayo na ako at akmang iiwan siya.



“Queen, joke lang. Eti naman di mabiro pero iyong tanong mo ang hindi ko alam ang sagot tanging ang Hari lang ang makakasagot niya.” seryosong pahayag niya. Kaya tumango na lang ako.



Nagpaalam naman ako kina Daddy na lalabas kami ni Hecate na agad naman nila akong pinayagan. Mabuti na lang at sabado ngayon pero yung mga kapatid ko ay may kaniya-kaniyang pinuntahan. Pagkatapos naming ipalit ang gold bar na iyon sa isang malaking bangko ay nag-open na rin ako ng account para du’n na dumeretso ang mga pera. Nag-issue na rin ako ng ATM card.




Hindi naman porket matagal akong nanirahan sa Underworld ay limot ko na kung paano gumalaw sa dati kong mundo. Halata na rin ang umbok sa aking tiyan kaya palakad-lakad na lang kami dito sa may park ng syudad. Maraming pamilya at mga teenagers na nandidito.



“Ganito pala mamuhay ang mga tao dito, Lavender.” sabi ni Hecate na ikinasang-ayon ko naman. “Hindi katulad du’n sa mundo namin na palaging madilim at walang kabuhay-buhay. Dito hindi mo mararamdaman ang lungkot panandalian man ang kasiyahan pero ang mahalaga naging masaya ka sa kaunting oras man lang.” sabi ni Hecate na ikinangiti ko naman.

Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now