CHAPTER 16

4.3K 168 29
                                    

Dedicated to Queenscarletsaffron

LAVENDER

Kinabukasan ay abala kami sa pagkain ng pang-umagahan nung may dumating na isang alipin mula sa palasyo ni Hades na may dalang pagkain.

Nanunukso naman na tinignan ako nina Selene pero ipinagsawalang bahala ko na lang ‘yon. “Ito na po ‘yung pagkain na hiningi mo po.” sabi niya kaya napangiti ako at nagpasalamat sa alipin na ‘yon at lumabas na.

Ngumisi naman ako kina Selene na nabura ang ngiti nila sa mga labi nila. “Oh eto. Pagsaluhan natin.” sabi ko saka inilapag ang isang tray ng ulam sa mesa. “Akala ko pa naman kung padala na ni Hari.” sabi ni Vladimir at nagsandok sa bagong ulam.

“Huwag kayong umasa du’n dahil walang katamis-tamis sa katawan ang isang ‘yon.” sabi ko sa kanila. "Hindi nga ako kayang paniwalaan at ipagtanggol eh." dagdag ko at nagsiiwas silang lahat ng tingin.

“Alam mo, Queen. After this meal you should go back to palace dahil alam kong may mata ang mga nasa Mt. Olympus ang nasa palasyo. Don’t let that old woman Demeter won.” Selene said so I smirked at her then winked. “I already thought that. Of course, I won’t let her win this battle. She ignites it and I will be the one to turn it off.” I said to her.

Matapos namin kumain ay agad din akong bumalik ng palasyo dahil hindi ako nakaligo kagabi at maghapon ko pang suot ‘to kahapon. Kung nandoon man si Hades, edi ignored siya! Lintek siya ha muntikan na naman niya akong saktan physically.

Nung buksan ko ang pinto ng palasyo ay halos gusto ko nang tumakbo pabalik sa palasyo ni Hecate. Nandito ang tatlong magkakapatid! Nandito ba si Zeus para parusahan ako? Oh my goodness. Ganon ba kalala ang sinabi ni Demeter na ‘yon? Gosh.

“Come inside, Lavender.” aya ni Poseidon sa akin kaya ngumiti ako sa kaniya ng hilaw at tuluyan na ngang pumasok. I bowed to them at nag-angat ako ng tingin si Hades ang unang dinapuan ng paningin ko pero agad ko rin iniwas saka tumingin kay Zeus.

“Nandito pala kayo.” sabi ko saka huminga ng malalim. “Yeah.” Zeus answered. “Alam kong gusto niyo akong maka-usap ngunit bigyan niyo muna ako ng oras para maligo at magbihis, maaari ba ‘yon?” tanong ko sa kanila.

Zeus and Poseidon nodded while Hades just looked at me. Kaya mabilis akong umakyat sa taas saka naligo. Hindi ko pwedeng pag-antayin ang mga ‘yon dahil nakakahiya naman kahit papaano. Nung matapos ako ay agad din akong bumaba suot-suot ang isang itim na pantalon, puting t-shirt at tsinelas lang.

Nagtatakang tumingin sa akin sina Zeus at Poseidon. “Saan ka naman nakakuha ng ganiyang damit?” tanong sa akin ni Poseidon. “Nung nagpunta kami sa mundo ng mga tao ay umuwi ako sa bahay para kumuha ng mga damit ko dahil hindi talaga ako sanay magsuot ng dress magdamag.” sabi ko sa kaniya at tumango naman ang isang ‘to.

Umupo na ako sa tabi ni Hades na wala namang imik. At hindi ko siya iimikin.

“So shall we start talking?” tanong ko sa kanila at tumango naman sila. “Bakit ganon na lang ang galit sayo ni Demeter? She was known for being kind.” tanong ni Poseidon sa akin at nagkibit-balikat naman ako. “Iyon nga rin ang pinagtataka ka ko eh, una naming pagkikita ‘yon kahapon pero bigay na bigay ‘yung galit sa akin.” komento ko saka humalukipkip.

Naalala ko na naman ang mga sinumbat ko kay Hades kahapon. “I think I knew it pero feeling ko lang naman ha. Wala akong basehan na facts or evidences to prove my statement but I will base it from my observation.” sabi ko sa kanila.

Tumango naman sina Zeus at Poseidon habang wala talagang ka-imik-imik ang katabi ko, baka lumilipad ang utak neto pero hayaan na nga.

“She doesn’t want Hades to have a new wife and queen for the realm. Because she was disgusted for the idea that I will be the new queen. In short, she wants her daughter who was former queen of the kingdom to remain as the queen.” straight forward kong sabi. Napatahimik naman ang dalawa at tila iniisip ang sinabi ko.

Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now