EPILOGUE

6.9K 241 43
                                    

Congratulations guys!

LAVENDER




Each day I wake up I’m always thankful to our creator, naiba man ang mundong ginagalawan ko, nakakasalamuha ko man ang mga taong galing sa inakala kong kwentong-bayan lang o sa paniniwala ng mga taong polytheistic, ay hindi na maaalis sa akin ang ikinagisnan kong relihiyon at paniniwala.



Na hindi naman pinakakailaman ni Hades at ang iba pang kalahi niya.
Lumabas ako at nagpunta sa may veranda ng aming kwarto, nandoon sina Hades na buhat-buhat niya ang anak niyang si Chrysos at nasa tabi naman nito si Sophia na abala sa paglamutak ng cookies na ginawa ni Ophelia para sa kaniya.




“Anak, hinay-hinay lang naman sa pagkain.” suway ni Hades kay Sophia at pinunasan nito ang bibig ng bata. “Masarap siya Papa. Tikman mo po.” sabi ni Sophia at sinubuan si Hades ng isang pirasong cookie na mabuti na lang ay kasya sa bunganga ng ama. “It’s delicious no wonder you love it.” Hades commented.


“Mama, good morning!” masiglang bati ni Sophia sa kin nung makita niya ako. Humalik ako sa matambok nitong pisngi. “Hey, babe.” bati ni Hades sa akin at humalik sa akin. “Ano ba nasa harap ka ng mga bata.” suway ko dito. “How’s my prince?” tanong ko sa anak kong naka-tingin lang sa akin. Humikab ito kaya naman di ko napigilan na halikan siya sa baba nito.

Umupo ako sa tabi nila at kinandong si Sophia sa akin na abala pa rin sa pagkain niya sa cookies saka hinalikan ito sa ulo. “I love you, my princess.” I whispered on her ear. “I love you, Mama Queen.” she response kaya naman napangiti ako.
With the family I have right now is what I’ve been dreaming for.



Isinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Hades at ang mahaba kong buhok ang pinagdidiskitahan ni Chrysos ngayon na laruin hinayaan ko na lang siya and he’s cooing something.


Naka-balik na kami sa may palasyo ng Underworld at kasalukuyan akong nag-aayos ng mga bulaklak na ipangdidisplay ko sa loob dahil napaka-dull tignan kung walang disenyong bulaklak ang isang bahay o palasyo.


“Sophia, don’t go farther okay?” bilin ko sa anak kong babae na ngayon ay gustong pumitas ng mga tanim na bulaklak sa bakuran. Malawak ang bakuran ng palasyo  at ang dulo nito ay isang bangin. “Okay, Mama.” she said. Pinanood ko siyang naglakad palayo at maingat na pumipitas ng mga rosas. Sinenyasan ko si Vladimir na bantayan niya ang bata na agad naman ginawa.



Tumayo ako dahil nakaramdam ako ng uneasiness sa aking mga binti at naglakad-lakad lang ako kabuwanan ko na kasi kaya ano mang oras ay manganganak na ako.



“Si Queen naman ano ka? Ulyanin na ba, Queen? Bakit naman basa iyang bestidang suot mo? Hindi mo na ba napigilan at naihi ka na lang bigla?” tanong ni Selene nung makita ako, nanlaki naman ang aking mga mata at dahan-dahan na tumingin sa aking bestida na ngayon ay basa na talaga.



“Manganganak na ako, Selene.” sabi ko at napahawak sa tiyan kong nagsimula ng humilab.

“A-ano? Sandali…este Hecate! Hecate! Manganganak na ang reyna!” sigaw ni Selene at natatarantang lumapit sa akin. Dumating si Hecate na mukhang kagigising lang. “Ano bang kaingayan, umagang-umaga? Baka false alarm lang yan.” sabi pa nito at humikab pa. “False alarm? ang sakit na!”naiiyak kong sabi sa kanila.


Nahimasmasan naman si Hecate du’n at parang ngayon lang nakasaksi ng manganganak. “Fuck. Lucas! Hanapin mo ang hari ngayon din mismo!” utos ni Hecate sa kadarating na lalaki mula sa kung saang lupalop. “Nasaan ba ang hari?” tanong ni Lucas. Huminga ng malalim si Hecate at pinipigilan na huwag barahin ang lalaki. “Kaya nga pinapahanap ko diba?” pigil ang inis na tanong ni Hecate sa lalaki.



Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now