CHAPTER 14

4.1K 170 16
                                    

Dedicated to KingsGoddess

LAVENDER


Uminom ka muna ng tubig, babe.” sabi ni Hades sabay bigay sa akin ang isang baso ng tubig at agad ko naman itong tinanggap saka ininom. At hindi maalis ang tingin ko sa kaniya dahil nagsalita siya ng tagalog, napaka-sexy nu’n sa pandinig ko at nilagyan pa ito ng babe. Napa-tikhim ako saka nag-iwas ng tingin nung inabot ko sa kaniya pabalik ‘yung baso.

Nagkakatinginan ang mga kasama namin ngayon na nag-aayos ng bulaklak na gagamitin namin para sa kasal at coronation night ko dahil sa pagpunas ni Hades sa pawisan kong mukha at leeg maski ang likuran ko ay pinunasan niya. Ako na ang nahihiya ngayon! “Itigil mo nga ‘yan, Hades. Nahihiya ako.” sabi ko sa kaniya.

“Why would I stop? I won’t stop serving my queen.” sabi niya sa akin at di ko maiwasan na huwag pamulahan ng mukha.

“King Hades, stop flirting with her because they won’t be able to finish these flowers.” I heard Lucifer said. Ngayon lang ‘to nagkaroon ng magandang dulot sa akin. “All right. Don’t overdo yourself, babe.” sabi niya sa akin saka humalik sa pisngi ko. Tumikhim ako para maalis ‘yung kilig na nararamdaman ko. May dalawang kulay ng rosas; black and red, lavender and white daisies saka sunflowers. Damn it, bakit napakaganda nila sa paningin ko?
Tumutulong ako sa paggawa ng mga decorations para sa event.

Kumuha ako ng isang piraso ng white daisy saka inilagay ito sa kanan na tenga ko. “Napakaganda niyo po talaga, mahal na reyna.” saad nung isang babae. Napangiti naman ako sa kaniya. Di ko talaga mapigilan ang paglaki ng tenga ko sa narinig ko. Be humble, self.

“Ah tanong ko lang saan naman galing ang mga ibang bulaklak na mga ito?” tanong ko sa kanila.

“Galing po ito mula sa Mt. Olympus, Mahal na Reyna. Mga pananim ni Diyosang Demeter.” sagot niya sa akin kaya napatango ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Demeter, siya lang naman ang nanay ni Persephone. Kaya pala napa-kalusog ng mga bulaklak na ito dahil nasa pangangalaga ni Demeter.

Nung matapos ko na ang aking parte ay halos mapaluhod ako nung sinubukan kong tumayo dahil nananakit ang mga muscles ko saka isama na ang aking mga buto. Arthritis ba ‘to? Kaya may umalalay sa akin at si Hades naman pala.

“Be careful.” sabi niya sa akin saka tinulungan akong maka-tayo. Pagkatapos nu’n ay nag-stretch ako at napa-hikab pa ako. “Ah kapagod.” sabi ko saka kinusot ang kanan na mata. “You should take a rest, babe.” sabi niya sa akin at tumango ako. Habang naglalakad kami ay di maalis ‘yung tingin nila sa amin.


Paano ba naman kasi nasa bewang ko ang isang kamay ni Hades. “Yung kamay mo baka naman may balak kang alisin diyan sa bewang ko.” pasimple kong bulong sa kaniya and I just heard him scoffed. Imbes na alisin niya ang kaniyang kamay sa bewang ko ay mas kumapit pa siya lalo du’n. I rolled my eyes on him.


“I felt relaxed.” he said so I look at him and not knowing na may bato pala sa dinaraanan ko kaya ako natalisod at mabuti na lang hawak ako ni Hades kaya di ako lumanding sa lupa. “What the hell!” I hissed.

Napatingin din du’n si Hades sa isang bato at kitang-kita ko ang pagsalubong ng kaniyang mga kilay. “Amenth!” he yelled at pati kaming lahat ay nagulat sa pagsigaw niya.

“Ano bang sinasabi mo diyan? Amen?!” sabi ko sa kaniya at sinamaan lang ako ng tingin. At nagulat na lang ako nung may isang batang lalaki na nasa harapan namin at naka-nguso ito. “Did you purposely put this damn stone in front of Lavender?” mahinahon ngunit may nagbabantang tono ni Hades na tanong sa bata kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Hades.

Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now