CHAPTER 15

4.4K 177 35
                                    

LAVENDER






“Mas lalong gumaganda si Queen!” pahayag ni Vladimir kaya naman napangisi ako at taas noo akong tumingin sa kanila. “Mahangin po, Queen.” pambabara ni Damon sa akin kaya naman pinaningkitan ko siya ng mga mata.




“Oh talaga ba? Sana nga matangay ka papunta sa Tartarus.” I counter attacked and I saw him turns into pale. Kaya napatawa ako sa kaniya. “Queen! Bad iyan.” sabi niya kaya mas lalo akong natawa sa kaniya.





Nasa sala kasi kami ng palasyo at kakatapos ko lang isukat ‘yung mga susuotin ko sa araw ng kasal at coronation ko bilang isang ganap na reyna ng kaharian na ‘to.




Nagtaka ako nung biglang tumahimik ang palagid kaya tinignan ko kung kanino sila naka-tingin. Napa-awang ang aking bibig sa nakita. Nandito si Demeter. Ang ex-mother-in-law ni Hades. Kaya tumayo ako saka nag-bigay galang sa kaniya pero hindi ko aasahan ang lalabas sa bibig niya.






“Mabuti naman at marunong kang rumespeto sa isang Diyosa.” matabang na sabi niya kaya naman napayukom ang aking kamao, pinipigilan ko na huwag siyang sumbatan. “Syempre naman po.” magalang ko pa ring sabi.






Isipin mo, Lavender. Wala ka sa mundo ng mga tao you don’t belong in this place kumbaga sampid ka lang kaya matuto kang lumagar. Kahit maging reyna pa ako at asawa ni Hades hindi kailanman matatakpan ang katotohanan na isa akong tao at wala akong dugo ng isang diyos at diyosa. They are the superiors.





Ngumiti ako sa kaniya. “Maupo po muna kayo.” sabi ko sa kaniya at umupo naman siya sa isa sa mga sofa. “Ano po ang nais niyong inumin?” tanong ko sa kaniya. She crossed her arms and arc her eye brow on me. Anak ng tupa! Sinusungitan ako, goodness.




“Wala akong nais inumin dito o kainin, nais ko lang makita ang bagong asawa ni Hades at bagong reyna ng kaharian na ito.” sabi niya at nasa tono niya ang pagka-disgusto sa akin.






“Kung ganon po, suit yourself.” sabi ko sa kaniya at hinawakan naman ni Hecate ang kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya at si Hecate naman ay umiling. “May pagka-bastos kang tao. Ilugar mo ang sarili mo!” sigaw niya sa akin kaya maski sina Hecate ay napapitlag. I closed my eyes tightly to hold to my left sanity.





“Baka naman po nakalimutan niyo po na ikaw po ang naunang nambastos sa akin.” sabi ko at pinagdidiinan ko ang po.
“Wala kang karapatan na bastusin ang isang kagaya kong Diyosa! Dahil nanggaling ka sa angkan ng mga alipin namin na mga tao! Kabilang ka sa mga pinakamababang uri ng mga tao!” singhal niya sa akin.



I’m sorry, Hades. Masyado na akong iniinsulto ng former mother-in-law mo.




“Di baleng manggaling na sa pinakamababang uri ng tao at least marunong akong gumalang kesa naman nasa mataas ka nga at may kapangyarihan kung wala kang respeto sa kapwa mong nilalang, walang silbi ang meron ka.” sabi ko sa kaniya at hindi ko inaasahan na sinampal niya ako at malakas din ‘yon.





Kaya napatabingi ang mukha ko. I closed my eyes and my fists so tight. “Bakit? Lalaban ka ba?” tanong niya sa akin kaya bumukas ang mga mata ko. “Don’t worry I won’t stoop down to your level.” I stated at sinampal na naman niya ako ulit. “Makakarating ang magaspang mong ugali sa lahat ng mga Diyos at Diyosa!” sabi niya sa akin.





“Kung gusto mo po samahan pa kita.” sabi ko. Napatingin ako kina Hecate na naluluha dahil hindi nila ako matulungan at wala silang sapat na kapangyarihan para kalabanin si Demeter. Idinuro niya ako at pinagbantaan na sasabihin niya ang lahat ng ito kay Hades.





Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now