CHAPTER 12

4.2K 181 16
                                    

Hey, dyosas! May bagong kwento para sa Queen Series. Ang title niya ay Queen of Heavens and I bet na kilala niyo naman kung sinong hari hehehe. Thank you, dyosas! Love lots.

LAVENDER

Inalalayan ako nina Damon sa pagbaba mula sa burol panigurado kung wala akong kasama nila kanina pa silang nandito kasi they are vampires.

“Queen, utang na loob. Huwag kang aalis na di mo sinasabi sa amin. Baka kung ano pa ang mangyari sayo dito kahit sabihin natin na reyna ka ng mundo namin.” nagmamakaawang sabi ni Vladimir sa akin kaya tumango ako sa kaniya.  Ngayon lang ‘to nagsalita ah.

“I know. Malilintikan tayong pare-pareho kay Hades.” saad ko saka tumingin sa mga kakaibang nilalang na nandidito. May mga bata pa! Hindi talaga ako makapaniwala na nakakasalamuha ko sila samantalang nung nasa mundo pa ako ng mga tao ay kinakatakutan ko sila.

Pumasok kami sa village 1 na sabi ni Hecate ay nandoon daw ‘yung mga kapre, engkanto at dwende.

Nagsama-sama pa talaga ang mga ‘yon.
Pagkapasok pa lang namin ay naamoy ko na ‘yung nakakahalimuyak na amoy na ginagamit ng mga engkanto sa mundo ng mga tao para akitin o paglaruan. Kumapit ako kay Hecate at tumabi naman sa akin si Selene sa kabila.
Napapailing ako dahil hindi ko alam na may pagka-chismiso’t chismosa ng mga nilalang na ‘to dahil halata naman na pinag-uusapan kami eh dahil tinitignan pa nila kami.

“Dyosang Hecate.” dinig kong sabi nung isang tikbalang? Anak ng kagang, may hitsura ang isang ‘to ah. Huwag mo lang tignan ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya dahil madidismaya ka lang.

“Oh bakit?” matabang na sabi ni Hecate habang nakatingin lang ng malamig sa tikbalang na ‘to. “Nais ko lamang ibigay sayo ang rosas na ito dahil matagal-tagal na rin simula nung nagpunta ka rito.” nahihiyang saad niya at iniabot kay Hecate ang isang tangkay ng pulang rosas.

Tinignan lang ni Hecate ‘yon at pinagtitinginan ng ibang nilalang ang tikbalang. “Kunin mo naman, Hecate.” bulong ko sa kaniya at tinignan lang niya ako saka umirap tapos padabog na kinuha yung pulang rosas mula sa tikbalang.

“Sa susunod, huwag ka ng mag-abala pa.” sabi niya at naglakad na kaya naisama na ako.
“Napakasungit mo naman sa tikbalang mukhang may gusto pa sayo eh.” sabi ko sa kaniya at tinignan naman niya ako na parang gulat na gulat.

“Pinagsasabi mo diyan, Queen? A vampire like me and I’m a Goddess too, hindi nababagay sa isang mababang uri ng nilalang. Kita mong maayos ang physical appearance ko.” sabi niya kaya natawa ako. “Look at me, Hecate. I don’t have any blood of being a Goddess. Kumbaga isa lamang akong collateral sa kasunduan ng pamilya ko kay Hades but now I’m about to become a queen and his wife.” sabi ko sa kaniya at ikinasimangot naman niya.

“You are destined to be his wife and queen, Queen.” Hecate stated at wala naman nakakakilig sa sinabi niya pero uminit ang mukha ko. Dahil sa likas na maputi at nadagdagan pa ang kaputian ko ay para akong naka-blush on.

“E-ewan ko sayo. Ang sinasabi ko lang ay huwag ka naman maging harsh.” tanging nasabi ko na lang.

Nagulat ako nung may isang batang lalaki na engkanto ang lumapit sa akin yumuko muna ito bilang isang paggalang kaya ngitian ko lang siya. “Mahal na Reyna, masaya po akong nagawi kayo dito at bilang pasasalamat ay bibigyan po kita ng isang kwintas ng bulaklak at ako po mismo ang gumawa. Huwag po kayong mag-alala wala po itong mahika o kung ano man na maaaring makasakit sayo po.” magalang na sabi niya at sobrang lambing kaniyang boses.

Tila may humaplos sa puso ko kaya walang alinlangan na umupo ako ng pa-squat para mapantayan ko siya. “Maraming salamat. Maaari mo bang isuot ito sa akin ngayon?” tanong ko sa kaniya at matamis siyang ngumiti sa akin at isinuot na sa akin ang kwintas na ginawa niya mismo. Napangiti ako ng malawak. “Maraming salamat. Ano ang iyong pangalan?” tanong ko sa kaniya. “Bisoy po.” sagot niya.

Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now