CHAPTER 22

4.3K 165 12
                                    

LAVENDER





“Alam mo, Queen. Hindi naman masama na magpunta sa ilog eh.” sabi ni Selene sa akin at kanina pa niya ako niyayang magtungo du’n. “Hindi ba lahat ng mga ilog dito ay may kaniya-kaniya silang tungkulin?” tanong ko dito. Lahat pala dito may buhay bukod sa mga bagay.






“Hindi ‘no, ang ilog na tinutukoy ko ay dito mismo sa loob ng palasyo!” masayang sambit ni Selene. Napanganga ako sa kaniya. “May ilog dito?” tanong ko ulit. Bakit hindi ko alam ang tungkol du’n? “Of course, Queen!” she beamed.





“Gusto kong makita iyon!” sambit ko at inalalayan niya akong tumayo. After so many days after our big day, Hades went to Mt. Olympus for some meetings. Sa susunod daw ay isasama at ipapasyal niya ako du’n. Mabilis kami bumaba at nakita ko na nandoon sina Hecate and her company. “No boys allowed!” Selene said.





Nagmaktol ang mga lalaki. “Magagalit ang hari kapag may nakakitang ibang lalaki sa katawan ng reyna.” saad ni Selene. Napatawa ako ng mahina. Umiling-iling si Hecate. “Maiwan na lang kayo dito para magbantay, naiintindihan niyo?” madiin na bilin ni Hecate sa kanila at tumango naman ang mga ito.





Walang magtatangkang manloob dito sa palasyo dahil napapaligiran ito ng mga kawal, ang alangang aso ni Hades na may tatlong ulo na hanggang sa ngayon ay di ko pa nakakasundo ang mga iyon at ang huli ay may malakas na mahika ang nakapalibot sa buong palasyo.





May binuksan si Hecate na pinto at namangha ako nung may hagdan ito pababa. Ang style ng hagdan ay paikot siya. Madilim sana kung walang mga torch ang nagsisilbing ilaw at isang chandelier na naka-sabit sa taas.






May binuksan pa siyang pinto. “Nandito na tayo, Queen.” sabi ni Selene sa akin kaya napunta ang mga mata ko sa napakalinis na tubig na patuloy lang na umaagos. “Ang tubig na ito ay nagmumula sa Lethe.” sabi ni Hecate kaya kumunot ang aking noo. “Lethe?” tanong ko.





Umupo sina Hecate at Selene sa gilid ng ilog kaya gumaya na rin ako. “Ang Lethe ay isang uri ng tubig kung saan umiinom ang mga tao na nais ng kalimutan ang masalimuot na karanasan nila sa mundong ibabaw pero depende iyon sa choice mo.” sabi ni Hecate kaya tumango ako. “Kapag ako nakainom makakalimot din ako?”  tanong ko sa kaniya.





“Ayos lang, Queen. You are not human anymore, you are an immortal.” Selene answered so I smiled at her. “Ano pang hinihintay niyo? Tara na!” sabi ko saka inalis ang damit ko at ang tanging naiwan ay ang lacey bra at panty ko. Napanganga ang dalawa sa nakita nilang katawan ko.





“Napakaganda ng inyong katawan, mahal na reyna! Hindi na kataka-takang ayaw umalis ng hari sa tabi mo!” sabi ni Selene at napahigikgik pa. Kung ano-ano na naman ang naglalaro sa utak ng babaeng ‘to! “Bilisan niyo na! Ang sarap pa namang maligo!” sabi ko at lumusong na sa tubig.




Napakalamig at tila na-relax ang buong katawan ko. Napapapikit ako sa kaginhawaang nararamdaman ko.



Nagmulat ako ng tingin nung lumusong na rin sa tubig sina Hecate. Nanlaki ang mga mata ko nung mapansin kong wala man silang kasuot-suot na pang-itaas. Kaya kitang-kita ang malulusog nilang mga dibdib.




“Wala man lang kayong saplot pang-itaas?” tanong ko sa kanila at umiling lamang. “Mahal na reyna, hindi uso sa amin ang bra dito. Bukod du’n wala namang lalaki ang nakakakita at puro lang naman tayong mga babae ang nandidito.” paliwanag ni Hecate.






“May mahika kaming magbabalot sa hubad naming katawan, Queen.” dagdag naman ni Selene. “Ah kaya pala.” sabi ko saka lumangoy paalis sa pwesto ko. “Hindi ko akalain na may kakayahan ka pa lang lumangoy, Queen.” sabi ni Selene sa akin. Napangiti naman ako.






Queen of Underworld (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant