Chapter 1: Ruin

748 49 10
                                    

"Vienna, can you make gising na!" ano ba namang klaseng buhay 'to oh!

Wala man lang bang tahimik na lugar para sa mga taong katulad ko na kailangan lang naman ng maayos na tulog? Ang aga aga nambubuwiset 'tong isang 'to.

"Ba't ka ba sumisigaw, Tica?!" inis na hiyaw ko nang maramdaman kong naglalakad na siya papunta rito sa kama ko.

"Will you refrain from calling me 'Tica', it's 'Britanica'. " maarteng sabi niya, napaka conyo naman talaga nitong kakambal ko ewan ko ba kung saan pinaglihi 'yan sa kaartehan, nakakainis.

"Nang iinis ka ba? Ano bang ginagawa mo rito?" nakakainis ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko, nasa concert daw ako, hindi ako nanonood ah, ako 'yong pinapanood, kasali daw ako sa banda.

Ang pangarap ko!

"Can you make bangon na? We need to buy some school supplies pa e," naramdaman ko na lang na hinihila na pala ako nitong maarteng kambal ko, pero siyempre 'di niya ako kaya.

Wala pa siya sa kalingkilangan ng lakas ko kaya nakabalik ako sa pagkakahiga.

"Ang aga aga pa, p'wede ba?" dahil nga sa paggising niya sa 'kin 'di na natuloy 'yong panaginip ko, bwiset talaga to 'pag ako nakabangon kukutusan ko to hanggang sa mapudpod bunbunan neto.

"Do you think 1:46 pm is maaga pa?" tinakpan ko 'yong tainga ko dahil naririndi na talaga ako sa boses nito-

"Ano?!" bumangon ako nang wala sa oras nang marinig ko kung anong oras na, shit, may pupuntahan pala ako ngayon, ba't naman kasi ngayon lang ako ginising nito?!

Mag a-audition pa ako mamaya sa 'Angel Rins', isang sikat na bar.

Mag a-audition ako ro'n sa isang banda, tagal ko nang pinapangarap 'yon, highschool pa lang ako 'no! Pero 'di ako pinapayagan doon kasi under age ako pero ngayon p'wedeng p'wede na!

"Yeah! So get up na at baka wala na tayong maabutan na matitinong school supplies don coz what if mga tira-tira ang naleft there, ate Vienna." nakakainis naman kasi kung hindi naman kasi gaga ba't ngayon lang ako ginising, tapos sasalubong pa sa'kin pagkagising ko 'VIENNA'? Ginagago ba ako ng kakambal 'kong 'to?! Mukha bang bagay sakin 'yang pangalan na 'yan?!

Eh bakit naman ba kasi kung kailan may pasok na bukas tsaka pa naisipang bumili ng school supplies.

College na kami, parehas pa kami ng course.

Culinary arts, ayoko naman kasi talaga niyang takteng 'yan... ano yon magluluto luto? Mas gusto ko pang mag Tesda, magwelding welding nalang ako.

Kaso dahil sa pagpupumilit si Tica wala na, nakakainis naman talagang buhay 'to oh.

"Will you refrain from calling me 'Vienna'? Nakakainsulto alam mo ba?!" inis na sabi ko, aba't tinatawanan lang ako nito, sikmuraan ko na kaya.

"Okay, okay, 'Vien' ." natatawang aniya.

Sumama naman ang mukha ko at sinamaan siya ng tingin.

"Lumabas ka na nga!" pagtataboy ko sa kanya saka sinimulan ko nang tumayo at maligo, isinara na niya 'yong pinto, tumalikod na ako pero bumukas nanaman.

"Bye my gorgeous ate." ngumiti siya sa'kin ng nakakaloko kaya binato ko siya ng unang bagay na mahawakan ko.

"Layaaaas!"

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now