Chapter 35: Forgiveness

207 24 0
                                    

Vien's POV

"Same, Exton. I also don't believe in second chances." bagsak ang balikat niya at nanlulumong tumingin pataas sa akin. Nanatili akong nakatungo at hindi magawang tumingin sa mga mata niya. "...so, we will act that we really don't know each other. We will see each other as a stranger."

Napahagulhol ako sa sakit na nararamdaman ko.

"W-what do you mean?" pinahid niya ang luha niya ngunit hindi siya tumayo.

"I want us to bury the past. Gusto kong pag nakita kita hindi ang nakaraan ang makikita ko sayo. Kasi, Exton, ang sakit pa rin e." kunot noo akong umiwas ng tingin at patuloy sa pag iyak. Sampung taon na ang lumipas pero bakit nandito pa rin yung sakit?

Bakit sobra pa rin 'yong sakit?

"I-I know... and I'm sorry" hinuli niya ang kamay ko at umiiyak na hinalikan yon.

Muling tumulo ang luha ko at humikbi. Hindi na gaano maintindihan ang sinasabi ko dahil parang mas kung ano sa lalamunan ko.

"Your sorry can't heal the wound, but it can ease the pain... and now that I heard your sorry, I can now move on. Sana ikaw din." napapikit ako nang umiling iling siya at paulit ulit na pinatakan ng halik ang kamay ko.

"No, I'm sorry, I'm sorry."

Sapilitan kong kinuha ang kamay ko at tumalikod sa kaniya.

I felt weak. I can't even walk properly. I covered my mouth and continued crying.

Ramdam ko ang titig niya sa akin. I can't walk anymore. Hinang hina ako.

Bakit parang ang sakit nanaman.

"Well, Vince's word is really a curse?"

Tumataas taas ang balikat ko dahil sa paghikbi ko nang humarap sa kaniya.

"He said I will never have you again... and you know what I answered him? I-I said I don't have plans in getting you... damn! It wasn't true! I promise you hindi‘yon totoo. Mahal na mahal kita, Vien!" kita ko nanaman ang pagkapula ng mga mata niyang parang pagod na pagod na nakatingin sa akin.

Pero mas nanlumo ako nang makitang hindi pa rin siya tumatayo sa pagkakaluhod niya.

"T-Tumayo ka riyan, Exton"

"Okay, aakto tayong hindi magkakilala, magsisimula sa umpisa. Liligawan kita ulit. Iisipin kong hindi kita kilala. Mamahalin mo ulit ako, baby." determinado siyang tumayo at naglakad papunta sa akin.

Hindi ako makagalaw at tanging iling ang naisasagot ko habang nakatingin sa kaniya.

"N-No, h-hindi yan ang gusto kong sabihin." mahinang sabi ko pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

"No one can stop me, your fiancé not even you, love." he said in low voice before claiming my lips.





"W-what are you d-doing here?" nanlalaking matang tanong ko kay Exton nang makitang nakatayo ito sa harap ng lapida ni baby Lin.

"I just saw his name... weird, kapangalan ko siya." nagtatakha siyang tumingin sa akin kaya napalunok ako.

Lihim akong natawa, kahit kailan talaga tanga tanga pa rin.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now