Chapter 15:Mask

152 31 0
                                    

Exton's POV

"Uupo kami sa malayo tapos kunwari wasted ka tapos lasing na lasing ka--!ARAY!"malakas na binatukan ko si Shin,bakit ba naman kase sumama pa tong tatlong stupid assholes na ito eh.

Sira diskarte ko dito eh.

"What the fuck?!"

"Oh bakit,syempre para hindi nila paghinalaan na sinusundan mo si Aphrodite ng buhay mo"he defended himself,I just rolled my eyes.

Badtrip may point siya,mahahalata akong sinusundan ko siya kapag mag isa lang ako tapos nagtext pa ako kanina kung saan ba sila pupunta ng asungot na Vince na yon.

"Ayaw mo ba nun,nandito kami for moral support,pre"Ethan,habang iniikot ang mata na parang may hinahanap.

We're here at Angel Rins,tama nga sila punuan,tss ano ba kasing meron ang Kawazuki na yan?Mas gwapo naman ako sa mga yon pero bakit tuwang tuwa ang tomboy na babaeng yon sa kanila,ang pangit talaga ng taste non sa mga lalaki.

"Pero teka wala na tayong upuan"pansin ni Justine but Ethan just grinned at us.

"I am not Ethan De Guzman for nothing"ngumisi pa siya,pasikat.

Porket kay Tita Angelirina--Mom ni Ethan--ang may ari neto.Yahh pero walang nakakaalam kaming magkakaibigan lang.

"Yown!"

"So,nagdadate nga sila?!"may tinitignan si Ethan kaya sinundan din naman namin ng tingin.

Si Aphrodite ng buha--ayy pota,tomboy na babae pala,tsaka yung asungot niyang bodyguard,magkatabi pa talaga.

"Fuck!"I hissed akmang lalapitan ko na sila nang pigilan ako ng tatlo,inis ko silang tinignan pero mas hinigpitan pa nila ang hawak sakin.

Wala na akong nagawa,psh,badtrip na asungot na yon!

"Anyway, Kawazuki-Vien's favorite band will perform,five minutes from now"Justine.Naglalakad siya di ko alam kung saan papunta.

"Hindi dyan"pigil ni Ethan at umiba ng direksyon,teka sa ano to papunta ah.

Yaan na.

Vien's POV

Nakaupo na kami ni Vincent-ngayon ko nalang siya natawag na Vincent uli ah.

As I was saying,nakaupo na kami sa isang two person table at magkaharap kami pero nilipat nya ang upuan niya sa tabi ko dahil kung magkaharapan kami edi hindi niya makikita yong banda,diba?

Tss.

Sobra na akong naeexcite,medyo late yata sila ngayon ah.

Teka nga,ang tagal naman nila lumabas.

Rinig ko na ang pagrereklamo ng iba dahil dapat lumabas na sila at nagpeperform ngayon.

Baka naman kase hindi pa tapos ang preparation ehnoh,makapagreklamo wagas,isako ko sila dyan eh.

"What took they so long?"

Pati ba naman tong katabi ko nagrereklamo na din?Nginiwian ko lang siya.

Sabi nga nila patience is a virtue.

Kusang akong napangiti nang tawagin na ang Kawazuki band pero unti unting nabura ang ngiti ko nang makitang nakamaskara ang lahat ng miyembro ng banda.

Kumunot ang noo ko,umingay na rin dahil sa pagrereklamo ng mga kababaihan dito.Shet pati ako eh aangal talaga.

"Baby Simone,tanggalin mo na ang maskara mo!"

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now