Chapter 23: Introduce her

127 30 0
                                    

Vien's POV

"Ano ba, hindi ako ikakasal!"angal ko nang magsimula nanaman silang magsagawa ng kung ano anong ritwal sa mukha ko.

"You're so oa naman."si Britanica habang nilalagyan ng kulay kamatis ang pisngi ko.

Pamake up make up pa.

Noon ngang wala akong make up nagkagusto sakin si Exton,tss di na yan kailangan.

"Ano ba,hindi na kailangan mag make up"sinamaan ko siya ng tingin.

Tinaasan niya ako ng kilay saka umirap."You need it para you will look presentable infront of his famoly kaya"magsasalita palang ako nang samaan niyaa ko ng tingin."And wala ka nang magagawa,so you shut up nalang"

Napakamot nalang ako sa pisngi ko sa iritasyon pero tinampal niya ako.

Mag ssmudge daw kase.Daming arte.

Paglabas ko nang gate nandoon na si Exton,nakasandal siya sa sasakyan niya.

Nang makita niya ako ay umayos pa siya ng tayo.

Sinuyod niya ako ng tingin saka ngumuso.

"Anong nginunguso nguso mo diyan?Hoy,sinasabi ko sayo kung napipilitan kalang na ipakilala ako,wag nalang tayong tu--"

Putol niya sa sinasabi ko."Bakit ka ba kasi nagpaganda?If that stupid asshole sees you, he'll surely steal you from me."

Pinanliitan ko siya ng mata dahil hindi ko narinig ang huling sinabi niya."Ano?"

"Wala,tara na"nakasimangot siya habang iginigiya ako sa kotse niya.

Exton opened the door for me,siya na rin ang nagsuot ng seatbelt sa akin.

I wonder kung gagawin niya pa rin to kapag naging kami na.

Ganyan naman kasi diba?Sa una lang magaling.

Pinanood ko siyang umikot papuntang driver's seat.

Nakasuot siya ng black na hoodie na may pangalan niya sa magkabilang gilid saka jeans.Kung tutuusin ang simple ng suot niya pero bakit napakagwapo niya--eto nanaman ako sa kakapuri sa kaniya.

Samantalang ako,nakasuot ng off shoulder na croptop na may garter sa magkabilang dulo-sa taas at baba-na peach white.Saka highwaisted boyfriend jeans.

"Sir Exton.Buti naman at naisipan niyo nang bumalik dito?" Pinagbuksan kami ng isang medyo batang kasambahay nila,I think she's two years younger than us."Oh,bakit po hindi niyo kasama si Anne?"

Luminga linga pa siya.

Nakaramdam ako ng iritasyon sa kaniya.

Anne?!Puta!

"Why would I bring Anne?"inis na tanong din ni Exton.

"Hindi po ba girlfriend niyo iyon?"inosenteng tanong niya.

Tumaas ang kilay ko at pinanliitan ng mata si Exton.

Ngumiwi siya sa akin at bumaling na sa kasambahay.

"No.And ah I came here coz' I want to introduce her to my family"he smiled.

Hinarap ako ng kasambahay nila kaya napaayos ako ng tayo."Ay,sino po ba siya"

Bakit ngayon niya lang ako napansin?Puta,hangin nalang pala ako ngayon?

"My wife"natulala ako sa sinabi niya.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now