Chapter 34: No to Second Chance

173 24 0
                                    

Vien's POV

Napahinga ako nang maluwag nang makahiga na ako sa kama ni Tica. Sa kwarto ko nandoon sina Vince kaya kay Tica na ako tumuloy. Tulog na siya sa tabi ko.

I can't drive to my house, I'm too tired.

I stared at the ceiling and remembered what happened today.

Bakit niya ako hinalikan? Last time we talked he was disgusted by my presence and then he kissed me?

I sighed again remembering one of my reason why I don't want to go back here is Clay. I'm scared, what if he comes back?

I dozed off with the non-stopping thoughts.

I woke up early, I don't know kung hindi pa nakakapag adjust ang body clock ko o nasanay lang akong maagang nagigising dahil palaging maaga ang taping namin.

I did my morning rituals before going downstairs with my laptop. I need to email the managers of my actors so they can prepare. The day after tomorrow we'll start shooting the next scenes.

"Ate Pedna, ako na po." inagaw kasi niya ang sandwich na ginagawa ko. Nagulat pa nga ako nasa likod ko na kasi siya.

Ako ang kumuha sa kaniya bilang maging kasambahay dito at the same time care taker na rin.

Lagi ko kasing pinagbabaksayon sina papa at mama sa mga lugar na gusto nila, si Tica naman ay isa ng flight attendant kaya madalas wala rin siya sa bahay.

Kaya kaysa naman walang tumao dito ay nagrekomenda na lang ako na kumuha sila ng kasambahay.

Kung minsan nga dito nalang pinapatuloy ni ate Pedna ang mga anak niya tuwing luluwas silang Manila para lang mamasyal. It was all fine with us because they were trustworthy naman.

"Ay nako, ayos lang, maupo ka na roon. Napakaaga mo naman kasing gumising." umiling lang siya sa akin.

Ngumiti nalang ako at sumuko na, "Magandang umaga po" bati ko kahit na huli na.

She nodded and smiled.

"Maupo ka na ron, ako na lamang ang maghahatid nito" she pointed the counter table so I nodded and sit there and opened my laptop.

I emailed all of them and waited for their response. When ate Pedna gave my sandwich and tea I thanked her.

"Hmm?" antok na sagot ni Flynn sa tawag ko.

"Saan ka naman pumunta? Pagbalik ko wala ka na"sermon ko.

Kagabi kasi noong bumalik na ako sa loob ng bahay ay wala na siya, inaasahan ko pa namang aasarin niya ako.

I asked them where is he but they all just shrugged.

Bwiset talaga, ang laki laki ng katawan, kung saan saan sumusuot.

"Wala" antok na sagot niya. Medyo husky pa kasi ang boses niya.

"Punta ka dito, samahan mo ako sa bahay"

"Wala kang kasama diyan?"

"No,I  mean in Quezon City"

"Oh, okay on the way"I  smiled, that's what I like about him, he never leaves me.

When the call ended, I immediately went upstairs and showered.

Katatapos ko lang mag ayos nang marinig ang busina niya. Nagpaalam na ako kina mama na gising na at nag aalmusal.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now