Chapter 2: His Name

335 42 2
                                    

Vien's POV

"Goodmorning Ma, Pa." Paglabas na paglabas ko nakita ko na agad sila Mama at Papa papuntang kusina para mag almusal.

Nakapaghanda na rin ako dahil nga first day ngayon, buti nga maaga akong nagising para hindi na ako bulabugin nung magaling kong kapatid.

Hindi rin naman talaga ako nakatulog dahil iniisip ko ang nangyari kahapon, sobra talaga akong nanghinayang roon.

"Goodmorning, my princess." Bigla namang nagising ang diwa ko, ito nanaman sila sa pang aasar sa'kin eh.

"Ma, anong 'my princess'?!" nakangiwing ani ko, bakas na rin ang pagkairita sa boses ko. Napaka aga naman kasi!

"Hoy Vienna ah, magpakababae ka ah." sarkastikong sabi ni Mama, habang si Papa tumatawa lang. Kumunot ang noo ko. Babae naman ako ah!

"Ma!" nakakunot akong napahiyaw pero sanay na siya sa ganto kong reaksyon kaya wala naman siyang paki at tinuloy pa ang pang aasar.

"Sabi ko nga, maupo ka nga lang d'yan nang makapag agahan na tayo." Sa huli'y sabi niya, tumatawa pa rin.

"Ah si Tica po?" Pang iiba ko sa usapan, asar naman kasi eh, ang aga aga eh inaasar ako.

Tuwang tuwa sila kapag ako ang napipikon.

"It's Britanica, ano ba ate Vienna.
" bigla namang sumulpot 'tong si Tica umupo siya sa tabi ko.

"Eh kung kutusan kaya kita." itataas ko na sana 'yong kamay ko nang magsumbong siya.

"Papa oh, si ate." simangot niya at tumakbo sa tabi ni Papa at yumakap sa braso nito.

Arte!

"Tigilan mo nga ako sa pag aate ate mo, limang minuto lang tanda ko sayo." inis na sabi ko habang nagsasandok na nang kanin at ulam.

"Hays talaga mga prinsesa ko.
" nakangiting sambit ni Papa habang tinataboy si Tica sa tabi nya, parantanga kasi akala mo naman kasi kakainin ko siya kung makayakap kay Papa.

Sumimangot nalang ako kaya natawa silang lahat. Mga siraulo.

Anong nakakatawa don?

They're really annoying me!

Sa kabilang banda, ang swerte ko sa kanila, ang swerte kong sila ang pamilya ko. Wala lang, lagi kasi kaming masaya, kapag may problema ang isa hindi pwedeng hindi alam ng iba, kumbaga dapat walang sikreto.

Kaya pati ang pagsali ko sa banda alam na alam nila.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko kesa naman sa makita pa nilang napipikon ako, alam ko namang mas lalo pa nila akong aasarin.

***




Pagdating palang namin dito sa school, jusko puro chismisan agad naririnig ko pero ang boses na namumukod tangi ay yong sa kaibigan kong sakin lang madaldal. "VIENNA!" Syempre walang iba kundi si Vincent.

Pero mas gusto ko siyang tinatawag na Vince. Ewan.

Hinila niya kaagad ako papunta ron kina Blake at Geo na naka upo don sa mesa sa canteen, kitang kita kasi dito yong entrance ng gate kaya nakita nila ako.

Iniwan naman agad ako ni Britanica noong makita nya yong mga kaibigan nyang malalandi, 'di ko naman sinasabing malandi ang kapatid ko pero natatakot ako na ma influence sIya ng mga kaibigan nyang B.I., mahirap na.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now