Chapter 13:Sick

164 32 0
                                    

Shin's POV

"Dre, ano bang trip mo? Gabing gabi na." bungad ko kay kaibigang Exton nang biglaan syang tumawag.

Trip neto?

"Nakita mo ba si Vienna?" he asked. Napakunot ang noo ko.

Bakit nya sa 'kin hinahanap? Napaisip ako, tapos, "HAHAHAHAHHA"

"What the fuck are you laughing at?" inis na bulyaw nya kaya natigil ako sa pagtawa.

"Ayy hindi to prank?" I frowned.

"Tangina." inis nanaman siya. Alam niyo para syang babae 'no, mga lods? Sungit sungit naman neto, nahawa na yata sa master niyang laging nireregla.

Pwede pala siyang mahawa sa regla?O.O

Atsaka malay ko ba kung nagv-vlog pala siya diba? Tss, wala kasi siyang alam eh.

"Hehe, malay ko ba sa 'yo. Kayo nagdadate eh." I'm actually making face right now, hehe.

"Fuck, nawala bigla." hindi ko alam kung matatawa ba ako o kung ano.

"Ayy, nilayasan ka? Kawawa"

"No, lasing siya eh--"

"OOOOOOHHHHH, DRE BAKIT MO NILASING?" napabalikwas ako ng bangon, what the hell?

"Yang bunganga mo" sita niya sa 'kin, ay baka nabingi na HAHAHA.

"Eh bakit nawala?" seryosong tanong ko.

Eh mga lods, lasing 'yong tao tapos biglang nawala? What if something happens to her diba? Babae pa naman siya.

"Help me find her."

Natahimik ako sandali, wait lang ha.Hahanapin namin si Aphrodite ng buhay ni Extonton? Wait, fuck? "Oh teka bakit ako?"

"Call the two stupid assholes." nauubusan na ng pasensyang aniya.

Marahas akong napakamot sa ulo, nakakainis.

"May mga kaibigan siya, why us? Yieee concern HAHAHAH-" natigil nanaman ako sa pagtawa nang singhalan nya ako. Hindi mabiro, ang OA masyado. Baka naman nagpapanic na 'to kasi nawawala na ang Aphrodite ng buhay nya.

Bakit kasi iniwan iwan niya. Epal 'no?

"Because I'm the one who was with her!" napakamot na naman ako sa ulo ko.

Siya nakawala tapos kami pineperwisyo.

"Eh ikaw pala, edi ikaw lang." napasimangot ako.

"Shin, Hindi ka pwede sa unit ko for the whole year. You are banned, understand?---"

Kung ban ako sa condo niya, shit hindi pwede. Isang taon akong walang beer non.

"Hehe, ito na nga tutulong na." hindi niya ako sinagot at pinatay niya na ang tawag.

Hindi man lang nagbabye. Baka naman wala na siyang load. May pa condo condo pa siyang nalalaman eh wala naman pangload. Yaks, nakakahiya.

Nanggigil din talaga ako sa kaibigan kong ito eh. Hindi malaman ang trip sa buhay.

Haist.

Eyooo! Shin Laisse in the house.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now