Chapter 22:Her Family

147 26 0
                                    

Vien's POV

"Flowers for you" nakangiting aniya at inabot nanaman sa akin ang isang bundle ng chrysanthemum.

Napairap nalang ako at labag sa loob na tinanggap ang bulaklak.

"Gago ka, dalawang linggo ka nang nagbibigay ng bulaklak sa akin" inambahan ko siya na ihahamapas ang bulaklak sa kaniya kaya ngingisi ngisi siyang umiwas sa 'kin.

"Tinatago mo naman" he said playfully.

"Tinatago ko talaga para naman may maialay ako sa lamay mo" seryosong sabi ko kaya sinimangutan niya ako.

"Tss, basta tanggapin mo nalang!" medyo tumaas ang boses niya kaya napangiwi ako.

"Aba! Ikaw pa matapang!" pinanlakihan ko siya ng mata kaya tumawa siya. Hindi na takot 'tong tukmol na 'to ah.

"Hindi na nga, bal" sabi niya at pumasok na sa gate ng bahay namin.

Nauna na siyang naglakad dahil sinarado ko pa ang gate.

"Bal? Anong bal?!" kunot noong tanong ko.

He faced me, "BAL-ang araw magiging asawa ko" he wiggles his eyebrows and smirked at me devilishly.

Muli na siyang tumalikod at nanguna nang maglalad papasok sa bahay. Feel at home ang potek.

Pota, paano ko kaya matatagalan ang kakornihan ng taong 'to?

Pero tangina, bakit ganon kahit ang korni nag iinit ang pisngi ko?!

Mabilis na lumipas ang isang buwan, semestral break na.

At sa buong sembreak nandito si Exton para umakyat ng ligaw.

Sabi niya sa bahay daw dapat manligaw, nabasa niya sa google.

Araw araw iba't iba ang dala niya. Pero hindi nawawala ron ang bulaklak.

Noong unang punta niya may dala siyang chocolate-- na hindi ko naman nakain dahil bago ko pa mahawakan tinakbo na ni Tica-- at bulaklak.

Nang sumunod na araw ay street foods. Tapos gummy worms at gummy bears na isang garapon. At kung ano ano pa.

Habang tinitignan ko siya ngayong nakikipagkwentuhan sa pamilya ko-- Nandito si Papa ngayon dahil on leave siya, well siya daw ang boss eh, kung maka-boss akala mo napakalaki ng business niya-- parang may humahaplos sa puso ko.

They're laughing at Exton's corny jokes and talking about random topics. Pati si papa ay tuwang tuwa sa kaniya.

"Kaya nga po tito e, hindi niya pa ako sinasagot dalawang buwan na akong nanliligaw diyan"

Natigil ako sa pag iisip nang marinig kong ako na ang topic nila.

Nilingon ako nila Mama at Papa. Saka nangingising lumingon kay Exton.

Si Tica, ayon nakikitawa ang bruha.

"Oo, ganiyan talaga yan. Noon nga sa first boyfriend niya mag iisang taon yon nanligaw. But you know what's funny, mas matagal pa ang panliligaw niya kaysa sa panahon na magkasintahan sila" tumatawang sambit ni papa.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now