Chapter 27: Threat

147 29 0
                                    

Vien's POV

"Bakit kailangan mo pang magbago?"napatingin ako sa taong umupo sa tabi ko.Si Geo.

Ipinatong niya sa balikat ko ang jacket saka itinukod niya ang magkabilang kamay niya sa buhangin.

Nakasuot pa rin kasi ako ng sleeveless na croptop at denim shorts.

Kung dati inis na inis ako kapag pinag susuot ako nito ni mama at Tica ngayon ako na mismo ang bumibili ng mga ganitong damit.

"Huh?"kunot noong hinarap ko siya.

"Para sakaniya,why do you need to change yourself?"tumingin siya kay Exton na ngayon ay inaayos ang bonfire kasama ang ibang mga gunggong at si Tica na alagang alaga ni Justine.

I sighed before turning to Geo"I'm afraid that he might cheat on me.Kaya hangga't kaya ko hindi ko ipaparamdam sa kaniyang may kulang sa akin."

"Kung mahal ka talaga niya hindi niya makikita ang kahit na ano mang pagkukulang mo"seryosong sabi niya kaya seryoso ko din siyang tinignan.

"You don't understand,Geo.Natatakot na ako.Ibibigay ko sa kaniya lahat para lang makita niyang sapat na ako.By that,he will not find another girl"mariing paliwanag ko pero iniilingan niya lang ako.

"Ibigay mo lang ang lahat sa kaniya kung nakakasigurado kang hindi ka niya sasaktan.Vien,alam mo kung gaano kasakit ang maubos"napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya.

He's right.

"I know.But I feel it.Iba siya sa kapatid niya"mahinang sabi ko at tinignan si Exton na binabato ng buhangin nina Shin.

"What if... he just finds you unique kaya ikaw ang... nagustuhan niya.And now that you're becoming girlish,magiging common ka nalang sa paningin niya"natigilan ako sa sinabi niya.

For minutes silence filled us.I didn't see that coming.

"Don't change yourself for anyone,kasi habang nagbabago ka,nawawala yung taong minahal niya.And don't give everything that you have,hindi ka sponsor" he tapped my shoulder and stood up at binalingan ang mga tukmol.Hindi pa rin ako nakakabawi sa sinabi niya."Hoy,ang tagal naman niyan!"

"Bal!"napaayos ako ng upo nang makitang papalapit sa akin si Exton na nakangiti.

"Love"

Itinayo niya at giniya sa may bonfire.Nakapalibot na silang lahat doon.Pinalibot niya sa bewang ko ang isang braso niya habang ang isa ay may hawak na beer.

Inabutan ako ni Exton ng isang boteng beer.Nagsimula na silang magkwentuhan tungkol sa mga bagay bagay na walang kwenta.

Natawa ako nang sumali si Vince sa kagaguhan nila.

"Yeah, ghosts do really exist"gatong ni Vince sa kalokohang pinagsasabi ni Ethan.

"Talaga,pre?"napangiwi ako nang makitang natatakot na si Shin.

Tss,bobo talaga,kahit kailan napaka uto-uto.

"Yeah, I've seen one,actually"tumango si Vince at uminom para itago ang ngisi niya.

"Oh?Saan?"nanlalaking matang tanong ni Shin.

Tatawa tawa naman na ang iba pati ako.Akala ko malalaman niya nang inuuto lang siya pero hindi,lumapit pa siya kina Justine at Tica at sumiksik.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now