Chapter 20: First Date

138 28 0
                                    

Vien's POV

Tss, saan naman kaya ako dadalhin ng hinayupak na yon?

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko. Tss, nakakainis hindi ko alam ang isusuot ko.

Teka nga, bakit ko ba iniisip yon? Pwede naman akong mag pantalon na lang, pero para kasing may pumipigil sa akin eh. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Abala ako sa paghahanap ng isusuot ko nang biglang pumasok si Mama at Tica. Bakit kaya wala si Tica kanina? Don't tell me na patuloy silang nagdadate ni Blake paker?

Baka masuntok ko siya.

"Oh ma, bakit kayo nandito?" tanong ko habang naghahalungkat ng damit.

Puro kasi plain tshirt mga damit ko.

Pumasok si mama.

"Aayusan ka namin" nakangiting sabi ni mama at tinaas ang ano ba yon?

Parang first aid kit naman. Ano ba laman non?

"Huh? Para san?" takhang tanong ko. Kelangan pa ba yon?

"Ate, duh. I'ts your first date ni Exton, so you should be maganda and stunning" She rolled her eyes. Batukan ko na tong kapatid ko na to eh. Ito kung saan saan sumusulpot, kanina wala siya ngayon nandito na.

"Wala akong pake kung hindi man ako maganda sa date na 'yan. Ngayon lang naman iyan" nakasimangot na sabi ko pero walang epek.

May inaabot sa akin na damit si Tica.

"Here"

Itinaas ko ang dress na binigay niya para makita ko ng maayos.

Seryoso ba siya?!

Pilit kong binibigay pabalik ang dress na yon sa kaniya. Hindi ako makakapayag!

"Ano to? Hoy, hindi porket napapayag mo akong magsuot ng bra't panty lang sa party ng Anne na yon eh mapapasuot mo sa akin yan."

"What?! Ate, it's not bra at panty, it's called bikini" aniya na purong kaartehan.

"Eh anong pinagkaiba non?"

"Whatevs. You make suot suot na this" inabot niya ulit sa akin ang dress na halos kita na ang kaluluwa ko.

"Hin-di! No, as in no!" pagpoprotesta ko.

Matapos akong ayusan ay bumababa na ako.

At oo, inayusan nila ako. Wala akong nagawa dahil ang magaling kong ina at kambal ay tinali ako sa upuan. Putangina! Tinali ako?!

Nakita ko si Exton, nakasemi formal siya. Blue na polo at black khaki pants pero parang medyo bitin, parang aattend ng seminar ampota-- na nagcecellphone sa sofa habang umiinom ng juice.

Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya.

Natigilan siyang humarap sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at para bumalik naman siya sa katinuan niyang takte siya.

"Shit, bakit ganyan suot mo?" gulat na tanong niya. "Damn, you're fuckin' hot"

Hindi ko na narinig masyado ang binulong niya.

Taena, pati naman kasi ako nagulat sa sinuot ko. Badtrip 'la akong choice.

"Huwag ako ang sisihin mo"

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now