Chapter 17:Confront

138 30 0
                                    

Exton's POV

6 days had passed and yet Vien didn't bother visiting me.

I sigh, tss yung tomboy na yon.

Nadischarged na ako. My parents came, and of course my bastard brother came too.

Bakit kelangan niya pang pumunta.

Bwiset kasing tuyo yan. Alam ko na nga kasing allergic ako sa mga pagkaing maaalat, hayss.

Kapag sinabi kong allergy, bigla nalang akong magpapass out at hindi makakahinga ng maayos, idagdag mo pa ang pantal at butlig butlig.

Kaya inabot ako ng halos isang linggo dito eh.

Bakit ba kinain ko pa din kasi?

Yeah, Exton because Vien was looking?

Kapag hinahanap ko si Vien sa mga tropa ko, hindi din nila alam-hindi sila pumasok para lang daw alagaan ako, tss as if. Tinatamad lang talaga silang pumasok. Pansin ko nga si Shin naging tahimik kapag si tomboy na babae na ang pinag uusapan.

What the fuck happened?

Pagkagising ko kasi nung araw din na yon, mga kaibigan ko na ang sumalubong sakin.

"Exton, umuwi ka na please?" hinawakan ni Mom ang kamay ko.

Nandito kami ngayon sa parking,hinihintay nila ang sundo nila habang ako hinihintay ko sila Shin.

They'll pick me up. Tss, ayoko ngang magdrive.

"Mom, napag usapan na natin to diba?" mariing sabi ko kay Mom.

At siyempre hindi papayag na manahimik ang gagong kapatid ko.

"You should move on na, bro"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't call me bro, hindi kita kapatid."

"Move on na, siya din naman may kasalanan eh." nakangiting sabi niya at akmang aakbayan niya ako nang malakas na tabigin ko ang kamay niya.

"Shut up!" pinanlisikan ko siya ng mata pero ngumisi lang siya sakin.

I gritted my teeth.

Fuck you Clay!

"Lakas mang akit eh--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang suntukin ko na siya.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero ang putanginang kapatid ko ngumisi lang sa akin.

Tss, of course he knows what will happen next.

"EXTON!" sigaw saakin ni Dad at inalalayang tumayo ang paborito niyang anak.

I smirked sarcastically.

Here we go again, the scene that i really hated the most.

Ang kontrabidang pinagtatanggol ng kanyang ama, nice view.

"See? Kaya ayokong umuwi, cause this family is a mess--!"

Naputol ang sasabihin ko nang sampalin ako ni Mom.

What a very nice family.

"Exton--" Mom tried to touch but I just turned my back.

"Una na ako." paalam ko sa kanila.

Hinawakan ko ang pisngi kung saan ako sinampal ni mom.

Tss, taena ang sakit non ah.

Saktong pagtalikod ko ang sasakyan ni Shin ang bumungad saakin, nakatayo silang tatlo sa gilid ng kotse. Nice, malamang kanina pa yan sila nanonood.

Dating the Boyish ✓Where stories live. Discover now