PROLOGUE

4.4K 117 28
                                    

PROLOGUE

❦❦❦

Una kitang nakita sa loob ng silid na puno ng mga babaeng at alak sa tabi mo. Gulat at hiya ang bumalot sa mukha mo ng makita mo ang mukha ko at mga matang titig na titig sayo.

Iniisip ko anong klasing lalaki ka ba?

Maraming nagsasabi na ikaw daw ang pinakamagalang na binata sa buong Goldton Empire. Isang prinsepeng hinahangaan ng lahat dahil sa kabaitan nito sa kaniyang nasasakupan.

Lalaking hahangarin ng lahat dahil sa kagwapuhan at kakisigan nito, idagdag mo pa na ikaw ang Crown prince at susunod na magiging Emperor na mamalakad sa buong emperyo.

Hindi ba't sobrang swerte ng magiging Empress mo? Ngunit kung ako ang tatanungin, hindi ba't bulag lang sila at sinungaling sa totong imahe mo?

Dahil ang nakikita ko ngayon ay isang pilyong ngiti galing sa isang lalaking may pulang buhok at kulay asul na mga mata.

Masasabi kong totoong kakaiba ang taglay mong kakisigan at kagwapuhan ngunit para sa'kin ay bali wala ang lahat ng iyan kung lahat ng babae sa loob ng silid na ito ay tinuturing mong laruan.

Napailing ako at inilapag na lang ang pagkain mo sa tabi ng iyong higaan, mabilis akong yumuko at naglakad palayo ngunit agad mong nasunggaban ang aking pwetan.

"Teka-teka, hindi ba't ikaw si Lady Lucille? Ang anak ng dating Duke ng Brentwood?" Tanong mo habang pinipisil ang aking pwetan na agad ko din namang tinabig na kinagulat niyong lahat.

"Yes your grace," binigyan mo ko ng pilyo mong mga ngiti at lumapit sa'kin ng hindi man lang tinatakpan ang iyong katawan.

"Ikaw sana ang magiging fiancee ko kung hindi lang bumagsak sa kahirapan ang pamilya mo. Ngayon ikaw tuloy ang naging kabayaran sa kapabayaan nila," sinuri mong maigi ang buong mukha ko na para bang tinatatak mo ito sa isipan mo.

Tumingin ka sa mga mata ko at hindi ko hinayaan na magpatalo sayo.

"Mukhang magiging masaya ito," banggit mo sabay guhit ng malapad na ngiti sa labi mo.

Napalunok ako at mukhang ito na ang simula ng kalbaryo ko.


To be continued

❦❦❦

Re:Told is part of the series RE: but you can read it as a stand-alone novel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Re:Told is part of the series RE: but you can read it as a stand-alone novel. For any question, you can leave a message on my wall or pm me.

Re:Told Loving the Crown Prince

-Ate Venn

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon