CHAPTER 25

444 29 11
                                    

❦❦❦

Kumaway siya sa'kin papalayo at sumakay sa kaniyang kabayo papunta sa hunting ground.

Kitang kita ko ang puting panyo na nakatali sa kamay niya at masayang umalis upang makisali sa palaro.

Hawak ko ang dibdib ko at hindi pa rin makapaniwala na mahal din ako ng lalaking iyon, iyong lalaking akala ko sakit lang sa ulo noon at halos isumpa ko na dahil sa kapilyuhan niya.

Pero hindi ko na mamalayan na dahil din sa ugali niyang iyon ay nahulog ako sa kaniya ng hindi ko na mamalayan, iyong matagal ko nang hindi maalis na lungkot sa pagkamatay ng aking ama at ni Tristan ay parang na pawi niya, nagagawa ko nang ngumiti ng walang iniisip na kapalit ng kasiyahan ko.

Naglakad ako pabalik ng mga tent nila at romonda kasama ng iba pang squire.
"Lucille na kita mo ba si Sir Ace?" Tanong ng iba pang squire na nasasakupan ni sir Ace.

"Hindi ko rin siya nakita simula kanina." Mukhang hindi nakasama si sir Ace sa royal hunt na ito ah, madalas niya pa naman ipagyabang samin na huhuli siya ng mababangis na lobo at mananalo sa hunting game na ito.

"Luh sabi pa naman niya huhuli siya ng mababangis na lobo." Sabi ni Gelo isa din sa mga squire na kasama namin.

"Tingin niya naman matatalo niya ang crown prince eh laging panalo sa royal hunt iyon." Tumango ako at sumangayon.

"Lalo pa ngayon na sumali ang dark lord sa royal hunt ngayong taon. Nakakapagtaka lang no." Napatingin ako sa kanila, hindi rin kasi ako na dalayo sa royal hunt noong nakaraang taon kaya wala akong kaalam alam sa mga bagay na iyon.

"Hindi ba sumasali ang duke?" Tumango sila.

"Kahit noon pa bago siya lumusob sa gera ay hindi siya dumadalo sa kahit anong pagtitipon, di ba nga bastardo ang duke at ayaw makisalamuha sa mga tao." Sagot naman ni Loreine at sa parteng iyon ay hininaan niya na ang boses niya.

"Nakakapagtaka nga bakit siya sumali ngayon." Tanong ulit ni Gelo at napakamot ako ng ulo. Ayoko naman sabihin sa kanila na humingi ng laso sa'kin ang Duke at nangakong mag uuwi ng sampung oso, baka mamaya pagmulan pa ito ng hindi pagkakaintindihan.

"Anong ginagawa niyo d'yan? Bumalik kayo sa posisyon niyo!" Sigaw ni sir Wilson at nagsibalikan kami sa mga posisyon namin at patuloy na nagbantay sa  mga bisita.

Lumipas ang limang oras at malakas na pinatunog ang trumpeta bilang hudyat na may pabalik na mula sa hunting ground.

Madaming nakiusisa kung sino ang unang binata ang makakapag-uwi ng parangal at na mangha ang lahat dahil dalawang kabayo ang papalapit samin.

Sakay nito ang duke na may hila hilang malaking itim na oso na magtatamo ng isang daang puntos dahil sa hirap at mapanganib itong hulihin.

Ang pangalawang kabayo naman ay ang crown prince na may bitbit na puting soro na halos walang makapag-uwi dahil sa bilis nitong tumakbo at sa kakaibang mala pilak nitong balahibo.

Napahawak ako sa dalawang kamay ko at pawang nagdadasal kung sino sa kanila ang mananalo.

Pagdating nila ay mabilis na hinagis ng duke ang itim na itim na osong mas malaki pa sa isang tao. Agad itong sinuri ni General Shalom at bumulong sa emperor na manghang mangha sa pamangkin.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon