CHAPTER 9

682 48 19
                                    

❦❦❦

Mabilis niyang hinila ang kamay ko palayo ng dancing hall kung saan lahat ng mga mata ng bisita ay nakatingin samin.

Hindi ako nakapagsalita sa bilis ng pangyayari at hinayaan na lang siyang hilahin ako paalis sa nakakasuklam na lugar na 'yun.

"My lord," banggit ko at tumigil kami sa paglalakad at hindi na malayang nasa hardin na pala kami kung saan kami unang nagkita.

Agad niyang binitawan ang kamay ko at naglakad na papalayo sa'kin kaya na bigla ako at hinabol siya, agad kong hinawakan ang dulo ng damit niya at tumigil siya sa paglalakad.

"Ah— pasensya na po my lord." Agad kong binitawan ang pagkakahawak ko sa damit niya ng makita ko ang blangkong expression ng kaniyang mukha.

Napayuko ako, tama na sigurong pinahiya nila ako sa kasiyahan at wag ko na itong dagdagan pa.

"May kailangan ka ba?" Tanong niya at mabilis akong umiling.

"Ah, maraming salamat po sa paghila niyo sa'kin palabas sa banquet hall, saka po itong coat niyo ay lalabahan ko po at isasaoli sa inyo." Umiling siya at muling tumalikod sakin.

"No need, itapon mo na lang 'yan," malamig niyang tugon at napahawak na lang ako sa coat niya.

Kung tutuosin ay kalahati na ito ng halaga ng sahod ko sa imperial palace, ang mga ganitong klase ng damit ay nagkakahalaga ng libo libong salapi.

"Hindi ko po ito matatanggap, nais ko lang po sana makapagpasalamat." Nagbuntong hininga siya at humarap sa'kin.

"Osige, samahan mo na lang ako." Napaikling na lang ako ng ulo sa pagtataka.

"Saan po?" Hindi siya umimik at nagsimulang maglakad lakad sa malawak na hardin, kusa naman akong sumunod sa kaniya at hinihintay lang ang mga sasabihin niya.

Habang naglalakad kami ay tahimik lang kaming dalawa, malayo sa maingay at puno ng usapan na banquet hall kanina.

Siguro nga ay maganda na din itong hinila niya ko palabas ng kasiyahan na iyon dahil sa totoo lang ay nasasakal ako sa mga tingin ng tao sa'kin, 'yung mga usapan at bulungan nila, mga matang mapanghusga.

Tumingin ako sa duke at pinagmasdan lang ang likuran niya, ang balikat niya ay napakalapad at biniyayaan din siya ng magandang pustura ng katawan. Mga mahahabang binti na nagbibigay sa kaniya ng katangkaran, pagkatabi ko nga siya ay hindi maiwasan ng aking leeg manakit dahil sa titingalain mo talaga siya.

Mas matangkad siya kay Argus at siguro kung na bubuhay lang ngayon si Tristan ay magkasingkatawan sila.

Hindi ko tuloy maiwasan na mapangiti dahil sa naiisip ko ang yumaong crown prince.

"Maupo ka," na balik ako sa wisyo ng tawagin niya ko.

Naglalayag na pala ang utak ko kakaisip sa kung ano-ano hindi ko namalayang nasa harap na kami ng sapa na puno ng mga pulang bulaklak.

"Ah, alam ko ang lugar na ito." Banggit ko at tumaas ang mga kilay niya na parang batang na gulat.

"Pfft—" hindi ko naman maiwasan mapatawa at agad kong hinawakan ang bibig ko para pigilin ito.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon