CHAPTER 16

468 32 11
                                    

❦❦❦

"Isang nakakapagod na araw na naman," binagsak ko ang katawan ko sa malambot na higaan at napatingin na lang sa kisame habang iniisip ang prinsipe.

Oo, na iisip ko siya ngayon dahil sa totoo lang hindi ko alam kung kilala ko na ba siya o hindi pa. May mga bagay na ikinagugulat ko kada makakasama ko siya at parang sa mga nagdaang araw ay mas nakikillaa ko na siya.

Pero kagaya nga ng sinabi ko, hindi pa lahat at lagi akong nagugulat kapag may bago akong natutuklasan sa ugali niya.

Katulad na lang kung pano siya ituring ng mga tao sa nayon na ito, parang pamilya at hindi prinsipe.

Napabangon ako at hinubad ang sapatos ko, andito ako ngayon sa pangalawang palapag ng tinutuluyan namin, katabing kwarto ko lang siya at halos pareho lang itsura ng tutulugan namin, hindi ba't nakakagulat para sa isang prinsipe na matulog sa ganitong lugar na halos pareho lang sa tinutulugan ng mga katulong at guardia niya.

Nakakapanibago lang dahil ngayon lang ako nakakita ng isang royal blood na sa isang luma at maliit na inn pa magpapahinga.

*tok tok*

"Lucille gising ka pa ba," aba— kita mo nga naman 'yung iniisip ko kumakatok na sa pintuan ko.

"Yes your grace?" Binuksan ko ang pintuan at inaya siyang pumasok sa kwarto.

Kumunot naman ang noo niya at tinignan lang ako ng seryoso, bakit may na gawa ba kong mali?

"'Yung mukha mo parang takang taka ah? Hahaha, maling ayain mo ang isang binatang pumasok sa loob ng kwarto ng isang binibini sa kalagitnaan ng gabi." Napahawak ako sa bibig ko, oo nga no. Hindi ko na matandaan dahil matagal na kong naging commoner at hindi naman applicable ang ganun sa mga katulad naming katulong.

"Maiba ako your grace, may papautos ka ba sa'kin?" Umiling siya at ngumisi ng nakakaloko, ito na naman ang ngiting ito na.

Ngiting may plano.

"Inaantok na po ako your grace, magandang gabi po." Mabilis kong tinulak ang pinto pero hinarang niya ang kalahati ng katawan niya dito na kinatawa ko.

"Hahaha," tumingin siya sa'kin at agad kong pinigil ang tawa ko, mukha kasi siyang na ipit na palaka.

"Paumanhin po sa pagtawa ko your grace," sabay ubo.

"Samahan mo lang ako saglit sa bayan, tara na may papakita ako sayo," mahina niyang salita at sinuklob ang ulo niya sa suot niyang talakbong.

"Ito magsuot ka din," banggit niya sabay hagis sa'kin ng damit. Sinuot ko na lang ito at sinundan siya sa pagtakas sa mga guardia namin.

Nag iinuman sila at nakikisaya sa mga tao sa nayon, parang walang mga trabaho bukas ng umaga.

"Hindi mo ba sila papagalitan? Baka hindi sila magising bukas sa lakad niyo." Tanong ko at umiling siya.

"Saka ko na sila papagalitan pag hindi sila na gising ng maaga," napatawa ako.

Baliktad sila ng ugali ni Marshall, si Marshall ay sobrang istrikto sa mga nasasakupan niya kaya naman wala itong masyadong kaibigan at si Argus naman ay sobrang luwag sa kaniyang pamamalakad kaya halos lahat sila ay itinuturing siyang kaibigan.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon