CHAPTER 21

410 31 22
                                    

❦❦❦

Maaga kaming tinipon sa plaza ng Capital City at doon binigyan ng parangal sa harap ng mga mamamayan. Madaming nagpugay sa pinakita naming katapangan lalo na sa ginawa kong aksyon.

Lumabas na din ang usapan tungkol sa pamilya nila Lady Jade at Marquess Allen, kung pano sila nagbebenta ng mga alipin sa iba't ibang mayayamang pamilya.

Dahil doon bumagsak ang estate nila at pinasara ang minahan na nagdulot ng malaking kawalan para sa pamilya ng Marquess, hinatulan ito ng pagkakakulong at tinanggalan ng titulo.

Nagbigay din ng parangal sa mga royal knight na nagbuwis ng buhay nila para sa crown prince at sa mga napalayang alipin.

"Hindi ko pa rin maisip na wala na agad si Jacob," napayuko ako at sumangayon kay Sir Ace na ngayon ay dalawang bituin na ang nakasabit sa kaniyang uniporme.

"Malaki nga ang makukuhang pera ng kaniyang magulang pero parang bali wala rin kung hindi na nila makakasama ang kanilang anak." Banggit ko at sila tahimik na nakayuko at ang iba ay pinipigil ang pag-iyak dahil sa kawalan na nakuha namin sa labanan.

Kaibigan mo ang mga kasama mo sa labanan at bilang royal knight kailangan mo rin matanggap sa sarili mo na parte ng iyong trabaho ang mawalan ng mahal sa buhay, katulad ng kaibigan at kasama nilang si Jacob.

Sumaludo kami sa harap ng mga mamamayan ng Goldton Empire at nagpasalamat silang lahat samin, agad na natapos ang parangal at mabilis na lumipas na ang mga linggo.

"Kailangan mo pang tigasan ang formation mo, you need to stand firm," inayos niya ang battle stand ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ko habang hawak ko naman ang kahoy na ispadang ginagamit namin sa pagdudwelo.

"Yes sir!" Sagot ko sa duke na seryosong seryoso sa pageensayo namin.

Binitawan niya ang kamay ko at huminga ako ng malalim saka mabilis na sumugod sa kalaban ko na rank one trainee.

Dahil sa ilang linggo pa lang ako nag eensayo ay marami pa talaga akong kailangan matutunan at masasabi kong masaya ako sa ginagawa ko.

Sumugod ako at mabilis na binigyan ang aking kalaban ng mga atake na tinuro sa'kin ni Marshall. Mabilis ko itong na gawa na nagpatumba sa kalaban kong mas mataas ang rango kesa sa'kin.

"Woah!" Ibibigay ko na sana ang finishing blow ng biglang nagtama ang mga tingin namin ni Argus.

"Your grace!" Bati ko at hindi ko na nakita ang pagtayo ng kalaban ko at agad niyang naitutok ang ispada sa leeg ko.

Sabay kaming tumingin ng masama ni Marshall kay Argus, tignan mo nga naman ang mokong na ito pagtapos magpagaling ay mang gugulo naman sa ensayo ko.

"Woah wait na mangha lang ako, bakit parang kasalanan ko?" Umarte siya na parang nasasaktan at napabuntong hininga na lang ako.

"30mins break!" Sigaw ni Marshall at nagpasalamat ako sa aking kalaban sabay punas sa aking pawis.

"Ngayon lang kita nakita sa uniporme mo." umikot ikot siya sa'kin at masayang pinagmamasdan ang training uniform ko.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon