CHAPTER 13

486 41 15
                                    

❦❦❦

Habang binabaybay namin ang daan pabalik ng kusina ay hindi magmaliw ang mga pang-aasar sa'kin ng dalawa.

Tila may na laman silang sikreto at isang kontrobirsiya. Mga usapan na halos ibulong na lang nila sa'kin habang naglalakad kami pabalik.

"Anong mayroon bakit tila ang bait ng duke sa harap mo?" Tumango tango si Julienna bilang pagsang-ayon kay Reyliann.

"Tapos inaaya ka pa niyang puntahan siya mamaya sa libreng oras mo," si Reyliann naman ang tumango sa sinabi ni Juilenna.

Tinignan nila ako ng may pangaasar at sabay pang nagsitaasan ang mga kilay nila sabay siko sa'kin.

"Mukhang ang prinsipe at duke ang na bighani sa kagandahan mo Lucille, sino ba naman kasi ang makakatanggi sa gandang iyan eh lalos pag-usapan ka naman talaga sa buong palasyo." Nilaro-laro niya ang kaniyang nakatirintas na buhok habang naniningkit ang mata sa'kin.

"Ano ka ba Reyliann wag mo naman asarin maigi si Lucille, mabuti pa Lucille ikwento mo sa'kin ang buong istorya." Isa pa 'tong si Julienna.

Sabay silang tumawa ng malakas at panay ang asar sa'kin sa buong minuto ng paglalakad namin pabalik ng kusina.

❦❦❦

Matapos ang nakakapagod na araw ay nabakante din ang oras ko at maaari nang magpahinga, inunat ko ang buto ko at tinali ng mataas ang buhok ko na sobrang haba na.

Paputulan ko kaya ito hanggang balikat katulad ng buhok ni Julienna? Masyado kasi itong nakakaabala sa paglilinis at pagtulong ko sa kusina.

"Magmemeryenda na ba kayo?" Tanong ko sa dalawa na pawang pagod na pagod na din.

Paulit-ulit na pinukpok ni Juilenna ang balikat niya at si Reyliann naman ay panay ang hikab.

"Matutulog na siguro ako," banggit niya at naglakad naman si Julienna pabalik ng kwarto namin.

"Magpapahinga na din ako," sagot niya at tumango ako sa kanilang dalawa saka kinagat ang tinapay na bigay samin upang ipangmaryenda.

"Lucille baka gusto mo dalawin ang Duke," banggit niya at muling pumasok sa utak ko ang hiling ng duke kaninang tanghali.

"Hala oo nga pala, sige pupuntahan ko na siya agad." Tumango silang dalawa at pagod na pagod na kumaway sa'kin.

Kumaripas naman ako ng lakad pabalik ng training ground at pansin na wala nang tao at malinis na ang lugar.

Lumingat lingat ako at hinanap ang Duke na ngayon ay nakahiga sa lilim ng puno at mukhang nagpapahinga.

Suot niya ang puting polo niya at nakasabit sa bewang ang lalagyan ng ispada, nakahubad din ang suot niyang sapatos na kinatawa ko. Sa malayuan ay para siyang si Tristan dahil ganito din ang gawain ng yumaong crown prince noon.

Siguro sa kuya niya na mana ang ganitong gawain at tila masayang nagpapahinga sa ilalim ng puno.

Marahan akong lumapit sa kaniya at nagdadalawang isip dahil baka maistorbo ko ang masarap niyang pagkakahimbing ngunit bago pa ko makalayo ay mabilis siyang bumangon at tumingin sa direksyon ko.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon