CHAPTER 30

762 28 8
                                    

❦❦❦

Halos dalawang araw din ang nilagbay namin ni sir Ace sakay ng karwaheng ito, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na hindi ko na kasama si Argus.

Sariwa pa rin sa alaala ko ang mga memorya at pagsasama naming dalawa, parang ang bilis naman kunin ang lahat sa'kin.

Hindi ko pigilan na tumulo ang mga luha ko, parang hindi na nagulat si sir Ace dahil halos sa buong byahe naman ay umiiyak ako.

"Na rito na po tayo," bumaba si sir Ace at ako sumilip sa bayan na bago sa paningin ko.

Wag mong sabihin itong bayan na ito ang bago kong titirahan tapos pag naging masaya na ko rito ay kailangan ko ulit umalis at iwan ang mga taong importante sa'kin.

"Lucille, kailangan mo na bumaba d'yan at may nag iintay sayo sa labas," banggit ni sir Ace at tumango ako sa kaniya.

Pagbaba ko nang karwahe ay may sumalubong sa'king isang lalaki na halos kilalang kilala ko.

Napaluhod ako sa harap niya dahil sa pagkabigla at napatakip sa bibig ko dahil sa gulat.

Ngumiti siya sa harap ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Papa!" Sigaw ko at bumuhos na naman ang mga luha ko na halos hindi na naubos sa kakaiyak ko.

"Papa! Panong— ahhh!" Niyakap niya oo ng mahigpit at hinagod ang likod ko para kumalma.

"Shhh tahan na anak, ayos na ang lahat nasa tabi mo na ako." Banggit kiya at halos hindi pa rin ako makapaniwala na nasa tabi ko na siya ngayon, mahigla at buhay na buhay.

"Tara pumasok muna tayo sa manor bago ang lahat, mukhang pagod na pagod ang dalaga ko." Banggit niya at hinalikan ako sa aking ulo.

Hindi ako bumibitaw sa kaniya at mahigpit na nakakapit sa braso niya, pakiramdam ko kasi pagbumitaw ako sa kaniya ay magiging ako sa magandang panaginip na ito.

"Magpahinga ka muna anak, mag papahanda ako ng papaliguan mo at ng makakain na rin." Bumitaw siya sa'kin ngunit agad kong hinabol ang braso niya.

"No please papa, dito ka lang." banggit ko at awang awa siya sa itsura ko kaya naman umupo siya sa tabi ko at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

Hindi ko na mamalayan na nakatulog na pala ako at nagising na nasa malambot at malaking kama na ako.

Inikot ko kaagad ang paningin ko at nataranta nang hindi ko siya na kita sa loob ng kwarto, hindi naman siguro panaginip ang lahat hindi ba?

Napabangon ako at bago pa ko makalabas ng pinto ay bumukas na ito at nakita ko siyang nakatayo doon na may hawak na pagkain.

"Sakto gising kana anak," banggit niya at muling tumulo ang luha ko, nataranta naman siya at pinakalma ako.

Wala na ata akong ibang ginawa kung hindi umiyak ng umiyak sa buong buhay ko.

"Tahan na Lucille, andito na ako." Banggit niya at tumango ako habang nakakapit sa damit niya.

"Wag ka mag alala andito na ako, hindi na kita iiwan kaya kumain kana at bawiin mo ang lakas mo saka ko sayo ipapaliwanag ang lahat." Tumango ako sa kaniya at sinandukan niya ako ng isang kutsarang sabaw.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon