CHAPTER 22

397 24 9
                                    

❦❦❦

Maaga akong gumising upang mag ensayo, nalalapit na kasi ang royal hunt at parang gusto ko sumali sa hunting na iyon ngunit mahigpit kaming pinagbawalan at inatasan magbantay ng mga panauhin maiiwan sa royal hunt.

Kada taon ay ginaganap ang hunting game na iyon kung saan magsasama sama ang mga noble at iba pang aristocrats upang magsaya at mangaso.

May premyo ang unang makakapag-uwi ng pinakamahirap na mahuling hayop at sa mga binibini naman ay may tatanghalin na royal hunt queen kung saan paramihan sila ng mga nahuling hayop na alay naman ng mga binata na nais silang bigyan.

May dalawang paraan upang bigyan sila ng mga binata ng kanilang huli o alay kumbaga. Maaari silang humingi o magbigay ng laso at panyo sa mga kalalakihan na sasali sa royal hunt, tanda ito ng royalty at paghanga mo sa dalaga.

Minsan ay paraan na din ito ng ibang kalalakihan upang magtapat ng kanilang na raramdaman at pagkagusto sa isang binibini.

At bilang squire na nag eensayo upang maging knight, trabaho kong bantayan ang mga binibining maiiwan sa royal hunt. Kami ang mag aasikaso sa mga tent at magbabantay sa ng mga noble.

Itinali ko ng pusod ang aking buhok at sinuot ang aking sapatos saka dumaretsyo sa kusina, nais ko munang gisingin si Argus dahil alam kong may meeting siya mamaya at isa siyang tulog mantika.

Nagdala na din ang ng tsaa para magising siya ngayong umaga, naglakad ako sa mahabang pasilyo patungo sa kaniyang kwarto ng makasalubong ko ang prinsesa Ellis.

Nakatingin ito sa malayo at nang sundan ko ang tingin niya ay nakita ko ang duke na maaga ding nag eensayo.

Napatigil ako at napaisip.

"May gusto ba ang prinsesa sa Duke?" Bulong ko sa sarili ko ngunit agad na nagtama ang mga tingin namin at inirapan niya lang ako sabay lakad paalis

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May gusto ba ang prinsesa sa Duke?" Bulong ko sa sarili ko ngunit agad na nagtama ang mga tingin namin at inirapan niya lang ako sabay lakad paalis.

Iniling ko ang ulo ko at hindi na lang inintindi ang nakita ko, alam kong malaki ang galit nila sa isa't isa at sana ay walang pinaplano ang prinsesa para saktan ang duke.

❦❦❦

Kumatok ako sa kwarto niya at pinihit ang seredula ng kaniyang pinto, hindi niya talaga gawaing ikandado ito dahil wala naman magtatangkang patayin siya sa loob ng palasyo at isa pa mahigpit ang mga guardia sa loob nito.

"Your grace gising na!" Nilapag ko ang tray sa side table niya at inuga uga siya,

Umingit siya ngunit mabilis niyang binuksan ang mga mata niya at nagbigay agad ng ngiti sa harap ko.

"Good morning Lucille," bati niya at binuksan ko ang kurtina ng bintana katulad ng lagi kong ginagawa.

Nilingon ko siya upang pabangunin na siya sa kaniyang higaan ngunit nakatingin lang siya sa'kin.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon