CHAPTER 18

396 28 17
                                    

❦❦❦

Ilang oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila lumalabas ng minahan, kabado na ko at hindi mapakali sa kinauupuan ko.

Iyong anim na royal knight ay bumalik na sa posisyon nila at iniintay na lang din ang prinsipe para matapos ang inspeksyon.

Hindi ko na maintay pa ang prinsipe at lumabas ng karwahe, na pansin naman ako nung dalawang lalaki kanina na kumausap sa'kin.

Mukhang pinagmamasdan nila ang mga galaw ko at kailangan ko mag ingat dahil mukhang totoo ang hinala ko na may nagaganap na kakaiba sa loob ng minahan ng Marquess.

"Lucille ayos ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Ace, mukhang na pansin agad niya ang kinikilos.

"Ah, ayos lang naman ako medyo nag aalala lang ako sa crown prince, baka may nangyari na sa kaniya sa loob." Ngumiti lang siya sa'kin.

"Iyan na siya oh, kakalabas lang." sabay lingon ko sa kuweba at lumabas mula rito sila Argus kasama ang apat pang royal knight.

"Ayos naman ang lahat, maraming salamat sa pagpapaunlak mo Marquess Allen. Kami ay aalis na para mag ulat ng balita sa emperor." Tumango ang Marquess at iba pang mga kawal niya kay Argus.

"Walang anuman po your grace, mag ingat kayo sa paglalakbay niyo." Tumango ito at sinenyasan na ang mga kawal na maghanda sa pag alis.

Kinalma ko ang sarili ko at inisip na mabuti nga siguro na mamaya ko na lang sabihin kapag nasa malayo na kami upang hindi sila maghinala sa mga galaw namin.

Pumanhik ako sa loob ng karwahe at sila rin ay sumakay na sa kanilang mga kabayo, umalis na kami at nang makalayo layo ay sumilip na agad ako sa bintana para tawagin siya.

"Your grace, pwede ba kayo makausap saglit," napalingon siya sa'kin at pinatigil ang pag andar ng karwahe.

Medyo malayo layo na kami sa minahan at siguro naman wala nang nagbabantay o sumunod pa saming pag alis.

Lumabas ako ng karwahe at nagsalita sa harap nila, mahina lang pero dinitalye ko lahat ng mga nakita ko sa loob ng bahay na iyon.

"Hindi ako nagkakamali sa na basa ko, kung alam niyo ang morse code ay sigurado naman na naiintindihan niya ang ginuhit ko." Tinuro ko ulit ng sanga ng puno ang ginuhit kong mga linya sa lupa.

"Pano mo na laman ang tungkol sa morse code?" Tanong sa'kin ni Jacob.

"Dating heneral ang aking ama at marami siyang libro na tungkol dito na naiwan niya sa library namin noon." Tumango si Argus.

"Napansin ko rin na walang ni isang tao ang nasa loob ng compound, medyo nakakapanibago dahil mahigpit ang Marquess sa araw at ayaw niya masayang ang isang araw na ito para lang patigilan ang mga minero niya sa pagtatrabaho." Nagkatinginan sila at tinipon ni Argus ang mga kawal niya.

"Kung hindi pa tayo susugod ngayong gabi ay sigurado akong natakpan na ng Marquess ang bagay na tinatago niya, kaya naman isasagawa ulit natin ang inspeksyon mamayang alas otso." Tumango sila at naghanda para sa plano.

"Maaari ka nang umuwi Lucille, ipapahatid na lang kita at mauna kana sa palasyo." Umiling ako.

"Hindi maaari iyon, andito ako para pagsilbihan ka at kung may mangyaring masama sayo ay pananagutan ko rin kaya hayaan mo kong sumama sayo." Umiling siya.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon