CHAPTER 17

400 29 9
                                    

❦❦❦

Pagkabalik pa lang nila galing sa inspeksyon sa buong sakahan ay agad na kaming byumahe patungong minahan nila Marquess Allen, ang isa sa pinakamakapangyarihan na tao sa buong Goldton Empire dahil sa lawak ng kaniyang minahan.

Sabi nila ang minahan na iyon daw ay hindi na uubusan ng mineral na ginto at iba pang mamahaling bato, at kada dalawang taon ay binibisita ito ng Imperial Family para inspeksyonin.

Sa loob kasi ng emperyo ay bawal kang maging makapangyarihan higit pa sa Imperial Family, isa itong threat sa kapangyarihan ng emperor kaya naman tuwing dalawang taon ay sinisiguro nilang walang na bubuong anumalya o pagkakabahaging dinudulot ang kayamanan ng Marquess.

Hawak ko ang mga bagahe at iba pang pagkain na pabaon ng mga tao sa nayon na iyon para kay Argus, nakasakay siya sa kaniyang kabayo dahil puno na ang laman ng karwahe.

"Natatanaw ko na ang Cao Estate," napasilip ako sa bintana at nakita ang malaking lupain na pagmamay-ari ng Marquess.

Ngayon lang ako makakapunta sa lugar na ito kahit na dati pa ay kilala na ng pamilya namin ang Marquess. Kanegosyo siya ni papa noon at nung malaman niyang namatay ang aking ama ay binawi niya na ang kasunduan para sa minahan.

Pero alam ko madami ding anumalyang tinatago ang Marquess na ayaw nang pakialaman pa ng aking ama.

Tumigil ang karwahe at pinaunlakan kami ng mga katulong para pumasok sa loob ng manor, agad nilang inintindi ang prinsepe at pinagsilbihan.

"Greetings your grace," bati ni Marquess Allen at nakita ko ang kaniyang asawa at si Lady Jade sa likuran niya na nagbigay ng pag galang sa crown prince.

"Maraming salamat sa pagpapaunlak niyo Marquess Cao," tumango siya rito at inaya naman siya ng tanghalian ng Marquess.

Pinagpahinga muna kami ng mga kawal nila bago isagawa ang inspeksyon sa minahan mamayang hapon.

Isang oras mahigit ang usapan nila maliban pa sa oras ng pagkain nila, kumain na rin ako sa kusina kasabay ang mga royal knight ng prinsipe.

"Ang ganda ni Lady Jade no?" Kwento ni Ace samin habang kumakain.

"Oo nga pero mukha siyang maldita katulad ng kaibigan niyang si Lady Ellis, mas maganda pa rin si Lucille hindi ba?" Banggit naman ni sir Wilson at tumingin silang apat sa'kin at pinigilan ko na lang ang pagkasamid at agad na uminum ng tubig.

"Baka may makarinig sa inyo at mapagalitan pa tayo, alam naman nating wala nang gaganda pa sa Lady Ellis ng Mc Allister," tumango sila bilang pag sangayon.

"Totoo naman maganda ang Lady Ellis natin pero kung naging empress ka katulad ng dapat mangyari ay mas maganda ka pa rin, sa totoo nga nanghihinayang pa rin kami." Napatungo ako at napatingin sa pagkain ko.

"Hindi bagay sayo ang uniporme mong pang katulong," lahat sila ay sumangayon kay Ace at ngumiti na lang ako sa harap nila.

"Hayaan mo Lucille pagyumaman ako hihingin ko ang kamay mo para magpakasal." Lahat kami ay napalingon sa bagong halal na first division Knight na si Jacob, ang hindi niya alam ay matalim ng nakatingin ang prinsipe sa kaniya mula sa likod.

"Sinong pakakasalan mo?" Unti-unti siyang lumingon at na gulat sa mukha ng prinsipe.

"Ahhahaha—" iyon na lang ang na sabi niya sabay kamot ng ulo niya.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon