CHAPTER 26

429 25 7
                                    

❦❦❦

Agad kong sinuri ang paligid at hinanap kung saan galing ang pana na tumama sa duke. Agad na nahagip ng aking mata ang isang lalaking nagtatago sa likod ng puno sa loob ng kakahuyan.

"My lord dito lang po kayo," sumigaw ako para humingi ng tulong at agad kong binunot ang ispada ko sabay habol sa lalaking iyon.

Isa itong assassination assault at hindi ko siya pwedeng pakawalan, hindi ko alam kung ako ba ang puntirya niya o talagang nais niyang tamaan ang ulo ng duke ngunit sumablay lamang siya.   

"Tsk!" Nakarinig ako ng pagsagitsit at bigla na lang ako pinaligiran ng mga lalaking nagtatago sa mga puno.

Lahat sila ay nakasuot ng itim at may takip ang bawat mukha, may hawak na iba't ibang armas na kahit anong oras ay pwedeng kumuha ng buhay ko.

Napalingon ako sa pinanggalingan ko, malapit lang ang duke sa mga tao at sigurado akong madami rin nag iikot na royal guards na pwedeng tumulong sa kaniya, kaso ang hindi ko na isip ay baka madami ring kasama ang kalaban ko at hindi agad ako nakahingi ng back up.

Pero sigurado naman ako na sasabihin ng duke na andito ako at hinahabol ang salarin, kailangan ko lang patagalin ang laban at pumalag sa mga taong ito.

"Sino kayo?" Tanong ko sa kanila at walang ni isang sumasagot, pinaliligiran nila ako at hindi ko pinayagan na makahanap sila ng butas upang sugurin ako.

"Bakit niyo nais patayin ang duke?" Tanong ko at biglang sumugod iyong isang lalaki sa harap ko, mabilis akong nakaiwas sa mga tira niya ngunit nagsabay-sabay na silang sumugod.

Ngunit nakakapagtaka bakit tila pigil ang paglaban nila sa'kin at ni isa walang tumatama na ispada.

"Lucille!" Napalingon ako at nakita ko ang duke na may kasama nang ibang royal guard at isa-isang nakipaglaban sa mga lalaking iyon.

Mabilis namin sila napatumba at nahuli dahil sa mas madami kami sa bilang, lahat sila ay itinali ang mga kamay at tinaggalan ng takip sa mukha.

Hanggang umabot na sa huling tao na nakaluhod sa aming harapan, marahan na tinanggal ng duke ang takip nito sa mukha at halos lahat kami nagulat sa aming nakita.

"Sir Ace?" Tanong ni Gelo na halos hindi makapaniwala na ang squad leader nila ay kasama sa samahan na nais patayin ang duke.

Nakayuko lang ito at hindi makatingin samin, tila nahihiya sa ginawa niya at takot sa maaring kahantungan niya.

Hindi naman ako makapaniwala habang tinitignan ko kung pano hilahin si Sir Ace sa karwahe upang inbestigahan, para bang may mali at hindi ako makapaniwala.

Dahil sa gulo ay maagang natapos ang royal hunt at ngayon nasa harap kami ng emperor upang magsalita sa mga nakita namin.

Patuloy na pinapaamin ang mga kriminal sa nais nilang gawin na pagpatay sa duke at mga ilang oras lang ay may pumasok na guardia sa loob habang hila-hila si Sir Ace na may kadena sa parehong paa at kamay niyo.

Halos lahat ng councilor at iba pang matataas na tao ay nasa loob ng kwarto upang pag-usapan ang naganap na aksidente, miske ang empress ay nakaupo sa tabi ng emperor at kailangan makinig sa mga pangyayari.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon