CHAPTER 28

467 28 14
                                    

❦❦❦

Naglalayag ang isip ko habang nakatingin sa pagsusulat ni Marshall, totoo bang plinano niya ang lahat upang mabawi ang trono?

Ayon kay sir Ace, binayaran siya ng duke upang bumaliktad kay Argus at idiin ang empress, pinalabas nila ang pagtangkang pagpatay sa duke na siya naman mismo ang nagplano.

Napaisip ako at pumasok lahat sa utak ko ang mga kakaibang bagay na napansin ko, kaya ba hindi nila ako sinasaktan? Kaya ba noong nakarahap ko sila ay parang hindi naman talaga sila nakikipaglaban sa'kin at talagang nagpahuli sila samin noon upang umamin at isuplong ang empress?

Napahawak ako sa baba ko habang naglalayag ang aking isip sabay tingin kay Marshall na abala sa kaniyang ginagawa.

Anong nangyari sayo bakit naging ganito kang tao?

Kahapon lamang ay may pinapatay pa siyang mga katulong na sakop ng imperial family noon, mga katulong na tiga pagsunod ng empress.

Sabi niya kailangan linisin ang palasyo mula sa mga taong sakim mag isip at baka daw isa pa rito ang katulong na nagpainum sa kanilang dalawa ng kaniyang ina ng lason noon.

"Mukhang malalim ang iniisip mo," banggit niya at napatingin ako sa kaniya, ngumiti siya sa'kin ngunit tila natakot ako sa mga ngiti na iyon. Nakakahalata ba siya na pinaghihinalaan ko siya? Ipapapatay niya rin ba ako katulad ng mga walang muwang na katulong?

Sumimangot siya at sumeryoso ng tingin sa'kin. "Bakit ganiyan ka makatingin? Parang nakakita ka ng kalaban mo." Napalunok ako at umiling sa kaniya.

"Iniisip ko lang po kung anong susuotin mamayang gabi." Palusot ko dahil koronasyon niya na mamaya at pinili niya ko bilang kapareha niya.

"Wag ka mag-alala pinatahian na kita ng damit mo at mamayang gabi ko rin sasabihin sa kanila ang pagiging empress mo." Banggit niya at muling bumalik sa pagsusulat.

"Ano po? Hindi ko nais maging empress!" Napataas ang aking boses na kinagalit niya, tumingin siya sa'kin ng matalim at hinawakan ang braso ko.

"Ayaw mo kasi ako ang emperor, tama ba?" Halos mangatog ang katawan ko at manuot ang lalamunan ko sa pagpipigil ng aking luha at takot.

"Hindi iyon ang dahilan," sabay bawi ko sa aking braso na kinagulat niya, tumayo siya at lumapit sa'kin sabay hawak sa aking mukha.

Piniga niya ang pisnge ko gamit ang kamay niya at tinitigan akong maigi.

"Wala ka nang magagawa, gusto mo bang ipapatay ko pa si Argus para lang pumayag ka?" Tanong niya at umiling ako, binitawan niya ang aking mukha at bumalik sa lamesa niya.

"Umalis kana sa harap ko at mag ayos ng susuotin mo." Banggit niya at mabilis akong lumabas ng opisina niya habang habol-habol ang hininga ko at nag uunahan ang tibok ng puso ko.

Sobrang laki ng pinagbago niya, hindi na makatarungan ang pagpatay na ginagawa niya sa loob ng palasyo at ngayon uutusan niya ko sa bagay na hindi ko gusto? Hindi niya ko laruan o gamit lang na kung saan kaya niyang gawin ang mga nais niya.

Mamayang gabi, hindi ko hahayaan na gawin niya ang nais niya para sa'kin, hindi ko tatanggapin ang titulong nais niya.

❦❦❦

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon