CHAPTER 27

439 23 9
                                    

❦❦❦

Nagkakagulo ang buong empire dahil sa balitang pagbaba ng trono ni emperor Stephan at sa bagong halal na si Marshall.

Sobrang bilis ng pangyayari at halos lahat kami ay hindi pa rin maisip kung ano ba talaga ang nagaganap.

"Lucille totoo ba na ang empress ay nasa kulungan na at nagiintay na lang na kamatayan niya?" Hindi ako makasagot sa tanong ni Reyliann at halos pagpawisan ang kamay ko.

"Pano na ang crown prince."

"Sssh— wag ka maingay Reyliann hindi na crown prince si sir Argus." Hindi alam ni Julienna kung ano na ang itatawag kay Argus dahil biglaan ang pagkawala niya sa trono.

Gusto ko sana siya puntahan kaso dalawang araw na siyang hindi na alis sa selda ng empress at bukas na ang araw ng pagbitay dito sa gitna ng Capital city.

Nanlalambot ako at hindi ko alam anong maitutulong ko sa kaniya, isa pa parang may kung anong konsesnya ang naiisip ko dahil isa ako sa dahilan ng pagkakakulong ng empress.

Sa sobrang pagkagulat din ng emperor ay agad niyang binitawan ang trono dahil sa ginawa ng kaniyang asawa.

"Dalhin mo ito sa kwarto ng prinsipe Lucille, sabi nila nasa kwarto niya na daw ang prinsipe." Andito ako ngayon sa kusina ng palasyo dahil hindi ako makapag-isip at makapag-focus sa pageensayo ko.

"Maraming salamat." Banggit ko at kinuha ang tray saka lumabas ng kusina para puntahan ngayon si Argus.

Alam kong mahirap para sa kaniya ito dahil pagnatapos ang koronasyon sa pinsan niyang si Marshall ay papatalsikin na sila sa loob ng palasyo.

*tok tok*

Kumatok ako sa malaking pintuan ng kwarto niya at pinihit ang seredula nito, nakita ko siyang nakahiga sa kama niya at nakatakip ang braso niya sa kaniyang mga mata.

"Argus? Nagdala ako ng makakain mo." Banggit ko at lumapit sa kaniya, umupo ako sa gilid ng kama niya at iniintay lang ang pagsasalita niya.

"Pasensya kana." Banggit niya na kinagulat ko.

"Ha? Bakit ka humihingi ng pasensya?" Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Hindi ko alam na ganoon ang aking ina, masyado na siyang nabulag ng kayamanan at nagawang patayin ang mga taong importante sa iba." Napayuko ako at narinig ko siyang humihikbi.

"Kahit sa mga huling oras niya hindi pa rin siya natitinag at para bang walang pinagsisisihan sa mga ginawa niya," unti unting lumalakas ang paghikbi niya.

"Si papa hindi na rin makakain at parang mamatay na rin dahil sa desisyon na pinataw niya, wala siyang magagawa dahil totoo lahat ng aligasyon na pinataw kay mama." Umiiyak na siya at hindi na mapigilan ang sama ng loob at lungkot, niyakap ko siya at dinamayan siya sa problema niya.

"Hindi ko kaya, wala na rin akong mukhang maihaharap sayo dahil na kuha ko ang trono na ito mula sa buhay ng iba." Umiling ako at hinagkan ang ulo niya.

"Hindi mo kasalanan iyon, wag mo sisihin ang sarili mo." Naiyak na rin ako at hinayaan siyang ilabas lahat ng galit at lungkot niya ngunit kulang pa pala ang dinaranas niya.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon