CHAPTER 29

515 30 19
                                    

❦❦❦

Nagtipon ang buong Capital city sa gitna ng plaza at pinagmasdan ang lalaking nakaluhod sa harap nila.

Maraming bulungan ang umiikot sa lugar at halos hindi sila makapaniwala sa sinapit ng duke na ilang minuto na lang ay kokoronahan na.

Ngunit ang ipapatong sa ulo niya ngayon at isang malaki at matalim na palakol, palakol na hahati sa leeg at ulo niya.

Hindi ako makatingin at panay lang ang iyak, nasa gilid kami at kailangan panoorin ang paghatol sa kaniya.

Hindi ko maatim ang nangyayari, parang kahapon lang ay kasama ko pa siya magtraining at masayang nakikipaglaban sa kaniya gamit ang kahoy kong ispada.

Tuturuan niya ko ng battle stand at kung pano sumugod sa kalaban, pagtapos pagtanghalian ay sabay kaming kakain sa lilim ng puno at magkukwentuhan ng mga bagay na pareho naming iniinda at dinadala.

May mga oras na puro tawanan lang kaming dalawa tapos makikisali ang squad member niya na may dalang tinapay at prutas.

Kalimitan pag wala kaming ginagawa tatakas kami sa butas na papuntang bayan kung saan magsusuot kami ng ibang damit upang walang makakilala saming dalawa.

Kakain ng iba't ibang pagkain at mag iikot sa plaza na para bang wala kaming problemang dalawa.

Hindi ko maisip na hahantong siya sa ganito, kung saan halos lahat ng taong nakapaligid samin ay nais siyang patayin.

"Mga huling salita na nais mong sabihin?" Tanong ng pari na magdadasal sa katawan niya at yumuko na ko dahil sa ayaw kong makita ang pagkawala niya, hindi ko alam bakit puno ng pagsisisi at takot ang nasa puso ko ngayon.

Gusto kong pigilan ang pagkakabitay mo pero anong lakas ko? Anong kapangyarihan na mayroon ako para gawin iyon? Kung sana alam ko lang na hahantong ka sa ganitong posisyon iniligtas na kita sa pagkakakulong sa kalungkutan mo.

"Susundan kita kahit sa kabilang buhay pa." Napaangat ang ulo ko dahil ramdam ko sa salitang iyon ang ibig niyang sabihin ngunit na pasinghap ako dahil sa pagtaas ng aking ulo ay ang pagbagsak naman ng kaniya sa lupa.

Nagsigawan ang mga tao sa bayan at halos mahimatay na ko ng makita ko ang pagkalat ng dugo niya sa taas ng entablado, bumakat ang kulay pulang likido na iyon sa malaking palakol at kumalat sa buong lugar.

Nangangatog ako at hindi ko na alam ano pang makikita ko, puno ng luha ang mga mata ko na nagkalat na rin sa buong mukha at manggas ng damit ko.

"AHHHH!" Napatingin ako sa babaeng kakarating lang, nakadamit siya pantulog at hindi alam kung ano ang gagawin.

Nangangatal siyang lumapit sa ulo ng duke at katulad ng mahaba at pula niyang buhok, nagmistulang hibla ng kaniyang buhok ang nagkalat na dugo sa kaniyang puting damit.

"Ah— anong ginawa niyo?" Tanong niya at naghesterikal siya sa harap ng katawan ng patay na duke, binuhat niya ang ulo nito at niyakap ng mahigpit.

Alam ko, alam kong mahal niya ang duke. Base sa mga tingin niya sa kaniyang mata, ang malayong pagmamatyag niya at ang mga patagong ngiti ng prinsesa.

Alam ko, mahal niya si Marshall.

"Ellis! Anong ginagawa mo rito?" Nabitawan ni Argus ang kamay ko at para bang gusto ko siya habulin, para bang gusto kong sumigaw na nanghihina rin ako, na kailangan ko rin siya sa tabi ko.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon