CHAPTER 1

2K 77 12
                                    

❦❦❦

Year 1649

Bawat hakbang na aking ginagawa papalayo sa aming mansion ay pawang isang malaking hakbang papalyo sa sarili ko.

Pakiramdam ko pag iniwan ko ang manor ay parang iniwan ko na rin kung sino ako, ako na si Lucille Brentwood ang anak ng isa sa pinaka makapangyarihang Duke sa Goldton Empire.

Ngunit lahat nang iyon ay wala na ngayon simula ng malugi at bumagsak ang estate namin dahil sa kapabayaan ng aking tiyuhin na si Baron Jonathan.

Nagkaroon ng aksidente ang aking papa noong nasa business trip siya at hindi na nakauwi pa, halos taon ang ginugol namin upang mahanap siya ngunit wala nang bakas para makita siya at tinaggap na lang nila na tuluyan na siyang na wala sa piling namin.

Katulad ng aking ina ay nawala nang parang bula sa piling ko ang aking ama, ngayon ay na punta sa tiyuhin ko ang lahat ng autoridad sa mansion na ito. Miske ang yaman at titulong Duke ay inangkin niya at nagpakasasa sa kayamanan ng aming pamilya.

Yaman na hindi ko naipaglaban sa kaniya, yaman na unti unting na wawala dahil sa kapabayaan niya at umabot na kami sa punto na miske ang buhay ko ay ibebenta niya na.

Ibebenta sa kabayaran ng utang namin sa Mc Allister, ang Imperial family. Itinakda akong ikasal sa unang anak na lalaki ng Emperor Stephan na si Argus Mc Allister, ang crown prince.

Ngunit dahil sa pagbaliktad ng tadhana sa'kin at sa pamilya namin, imbes na maging crown princess ako ay ngayon magiging katulong ako mismo ng lalaking dapat ay pakakasalan ko.

Huminga ako ng malalim at iniakyat ang bagaheng dala ko sa loob ng kwarwahe.

"Dalian mo naman aba't napakakupad mo talaga!" Sigaw niya sakin at agad akong humakbang papasok sa kwarwaheng magdadala sa'kin sa bago kong tahanan.

Muli kong sinilip ang manor mula sa tarangkahan nito at maluha luhang na iyak dahil sa sinapit ko.

Yung pinaghirapan ng aking mga magulang ay ngayon pambayad utang na lamang at akong mismong anak nila ay parang alipin na ipapamigay na lang.

Kung andito lang ang aking ama at ina, iniisip ko na bakit na iwan pa ko at hindi na lang sumama sa kanila? Hindi ba't mas madali at masaya kung sama-sama na lang kami hanggang sa kabilang buhay?

Tahimik akong umiyak at tinago ang mga hikbi ko sa maingay na tunog ng gulong ng karwahe.

❦❦❦

"Tuloy po kayo Baron Jonathan, lady— ah Lucille," napatingin ako sa head maid ng Imperial palace, mukhang hindi pa rin sila sanay na ituring ako na isang commoner ngayon.

Isang Lady papunta sa isang maid ay talaga namang nakakabigla, tanda ko pa noong pinagsisilbihan ako ng head maid na ito tuwing dadalaw ako rito nung buhay pa ang unang crown prince na si Tristan.

"Pagpasensyahan niyo na kung huli na kami sa pagdating, pakisabi sa emperor na salamat sa pagpapaunlak." Tumango ang head maid at sinamahan kami papunta sa emperor.

Pinagbuksan niya kami ng isang malaking pinto na may mga kawal sa bawat paligid nito. Tumambad samin ang malaking kwarto na may malawak na espasyo, may pulang albombra na lalakaran mo papunta sa trono ng emperor.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon