CHAPTER 6

924 52 12
                                    

❦❦❦

Mabilis na lumipas ang mga araw sa loob ng palasyo, 'yung dating prinsipe na kilala ko sa pagiging babaero ay unti-unting nagbabago.

Hindi dahil sa'kin ah, kung hindi dahil sa tambak niyang trabaho na wala na siyang oras pa para maglaro at magsaya.

Good thing, dahil sa na bawasan ang trabaho ko dahil sa kaniya, wala akong ibang ginagawa ngayon kung hindi ang dalhan siya ng makakain niya at linisin ang kwarto niya na madalang niya na puntahan.

Hindi na rin na ngangamoy alak ang silid niya at wala na kong nadadatnan na babaeng na punta rito, tambak na kasi ang opisina niya ng mga papel at trabaho na pumipigil sa kaniya magpahinga.

At sa mga oras na ito ay wala din siya sa palasyo dahil siya ang susundo sa Duke ng Harridan.

Naipanalo ng Goldton Empire ang gera laban sa karatig bansa na Ambrosetti Empire at ngayon ay abala ang lahat dahil sa kapistahan na gaganapin para ipagdiwang ang pagbabalik ng mga mandirigma mula sa labanan.

At dahil din doon ay mukhang hindi ko gaano makikita ang prinsipe dahil sa bagong trabaho at papalakarin nilang lupain na nasakop namin.

"Pasok," sigaw ng Empress mula sa labas ng pinto at napalunok ako.

Hinila ko ang tray cart na puno ng mga matatamis at mamahaling tea set na mukhang ginto ang halaga.

Tumango ako at inayos ang pagkin sa harap nila, ngayon kasi ay abala ang lahat sa trabaho at ako lang ang second rank maid na maaring magsilbi sa empress.

Sa loob ng palasyo ay may rango ang mga katulong na kagaya ko, ang mga maid na kinukuha upang magturo at mag-alaga sa royal family ay maaaring mula sa pamilya ng Viscount o Baron, ngunit kahit hindi ako mula sa mayayamang pamilya na iyon ay anak naman ako ng dating duke kaya may mataas akong pinag-aral at dahil doon nilagay nila ako sa posisyon na ito.

"Your highness, pagpasensyahan niyo na po ang palpak na plano," hindi ko alam kung sino ang kausap ng empress ngunit hindi ko naman mapigilan marinig ang usapan nila.

"Anong gagawin mo ngayon? Legal na siyang may titulo bilang Duke! Hindi ba't sabi ko sa inyo ay patayin niyo na siya sa labanan!" Nagpintig ang tenga ko, hindi ko alam na sa pagiging katulong ko ay makakarinig ako ng mga ganitong usapan na hindi pwedeng lumabas sa kwartong ito.

"Hindi rin po namin alam, na gulat na lang ang mga tauhan namin noong makita ang galing niya sa paghawak ng espada, akala ko po ba ay limitado ang tinuturo sa kaniya dito sa palasyo?" Hindi ko masundan ang usapan nila, ngunit parang tinutukoy nila dito ay ang Dark Lord.

"Oo ganun na nga, dapat matagal ko nang pinatay ang batang iyon, pero para siyang masamang damo na kahit lasunin mo ay hindi na mamatay." napatigil ako at muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong baso.

Pareho silang tumingin sa dereksyon ko at nakaramdam na ako ng mga tingin na isa lang ang ibig sabihin.

Hinding hindi makakalabas ang usapan na iyon sa loob ng silid.

"Lucille, tama ba?" Ibinaba ko ang tasa.

Hinawakan ko ang dalawang dulo ng aking palda, bahagyang itinaas ito at yumuko sa kanilang harapan.

Re:ToldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon