CHAPTER 2: god of fire

5.5K 233 108
                                    

CHAPTER 2


Nandito na ako sa kusina kung saan ako magsasaing. Malamang! Alangan naman kung manonood ako dito ng TV diba? ChOur kidding HAHA.

Di ko alam kung paanong natapos ko ang paglalaba ko kanina. Di kaya ginamitan 'yon ng mahika ni Hera?

Kung siya ang may gawa no'n, sana naman sa pagsasaing gano'n rin ang mangyayari, huehuehue.

Tae! Kung ano-anong iniisip ko. Nababaliw na ata ako pero wait lang---- wala ng masakit sa'kin ah!

(0_0)

Tiningnan ko 'yong wrist ko at owemji! Ano 'to?!

"Hala! Anyare dito sa pulsuhan ko?"

Dali-dali akong pumunta sa may lababo at hinugasan ang wrist ko ng tubig.

Pilit ko itong kinukuskos pero namumula na lang siya't lahat-lahat, di pa rin matanggal-tanggal!

"T-teka! Baka ito na 'yong sinabi ni Hera na simbolo. Uwuuuu totoo nga ata 'yong mga sinasabi niya!"

"Anong sinasabi niya?"

" 'yong tungkol sa magic!"

"Magic?!"

"Ayy magic! " nagulat ako sa biglaang pagsulpot no'ng isa kong pinsan. Nanlilisik pa ang mga mata niya, tsk lagi naman talaga.

"Nababaliw ka na ba ha Aerin?! Nagsasalita kang mag-isa saka ano bang ginagawa mo dito sa kusina?! May pa magic² ka pa, naniniwala ka pa do'n?! Saan ba si Ellaine ha?!"

Halos di na ako makakurap dahil sa sunod-sunod na tanong niya. Ano bang tingin niya sa'kin? Tanungan ng mga nawawalang demonyo?

"Hoy!" untag niya sa akin. Nawawala na naman ako sa wisyo dahil sa demonyita na ito ey.

"A-ah, di ko alam kung saan siya nagpunta Hanny. Nandito ako para magsaing."

'Gusto mo ikaw pa lutuin ko eh'

Tinaasan niya lang ako ng kilay at tinalikuran na ako. Psh, akala mo naman maganda, eh boobs lang naman ang nagdala.

Napairap na lang ako sa kawalan. Jusko! Ang sarap lapain eh.

Tiningnan ko ulit ang wrist ko at namumula pa rin siya. May nakaukit na doon na parang simbolo ng hangin. Maliit lang siya pero nakikita ko pa rin.

Hindi ko alam kung anong kababalaghan ang nangyayari sa'kin pero baka maiintindihan ko rin sa takdang panahon.

Kailan ko kaya makakausap ulit si Hera?

"Hays! Saka ko na lang ulit iisipin 'yong bagay na iyon. Nandito ako para magsaing hindi para mag-isip ng kung ano-ano"

Inilagay ko na lang 'yong bigas sa kaldero at hinugasan. Gasul ang gamit namin dito sa bahay dahil sosyal sila, duh!

Pero nakailang on na ako, di pa rin siya umaapoy.

Taena! Ano na naman 'to? Naubos na naman ba laman nito?

"Kung minamalas ka nga naman"

Eh kung tawagin ko kaya si Hera? Kaso di ko naman alam kung paano kasi biglaan naman 'yong kanina eh.

Saka kung matawag ko man siya, anong magagawa niya para dito sa gasul? Hihipan niya? Tanga ka din selp eh.

"Paano na 'to?"

Sinubukan ko ulit i-on ang gasul ng biglang umapoy ito.

"A-aray!" Takteeeeeee! Napaso pa kamay ko tsk. Bigla ba namang umapoy, eh di nagulat ako kaya nasagi ang kamay ko.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon