CHAPTER 55: Boy's Talk

1.3K 80 1
                                    


•AERIN's POV•

"Aaaaaaaaah!"

"Tuloooooooooong!"

"NoooooooooO!"

Kanina ko pa naririnig ang mga sigaw ni Eamon. Nandito lang kasi kaming dalawa ni Iciel sa kubo samantalang nasa likod naman sila Volt na nagsasanay ngayon kaya lang nako-curious ako kung bakit sigaw nang sigaw 'yang si Eamon ey.

Ano kayang ginawa sa kanya ni Volt at ganyan na lang siya kung makasigaw? Nasasaktan kaya siya?

Para na nga akong giraffe dito kasi tumataas ang leeg ko baka sakaling masilip ko sila kaya lang wala talaga akong makita.

Paano ko nga ba makikita eh nasa loob nga kami diba? Naku self, boplaks ka na naman.

Kung pupuntahan ko kaya sila?

Hmmm sige na nga!

Akmang tatayo na sana ako no'ng bigla akong binato ni Iciel ng ice spears na agad ko namang ikinayuko. Pambihira, ano bang problema nito?

Jusko, may balak pa atang tuhugin ako o di kaya ihawin. Nakakatakot talaga ang goddess na 'to, makikisilip nga lang eh.

"Hindi ka pwedeng pumunta roon dahil mawawala lamang siya sa konsentrasyon" malamig niyang sabi.

Napa-pout naman ako dahil do'n. Bawal pala, sayang di ko siya makitang nag-eensayo. Saka infairness ha, nag rhyme ang sinasabi niya HAHAHA.

Siguro retired makata itong si Iciel tapos inilihim niya lang kasi tinatamad siyang magsalita, pffft. Na miss ko tuloy si Glaciero, kumusta na kaya silang lahat do'n? Sana naman at okay lang sila.

Na-miss ko na din ang bff ko, pag nagkita kami ulit, ike-kwento ko sa kanya lahat-lahat ng nangyari dito hihi. Sabagay, malapit na naman akong makauwi eh.

"Iciel, may tanong ako" tawag ko sa kanya, nagbabasa siya ngayon ng libro.

Napapansin kong maraming libro dito si Iciel kaya hihingi ako ng isa mamaya, pang regalo ko kay Eris kasi siya lang 'yong di ko nabigyan eh.

"Ano 'yon?"

"Tungkol sa Dark King. Hmmm, may asawa ba siya o wala?" taka kong tanong.

Wala kaming ensayo ngayon dahil hinihintay naming matapos sila Volt para pagkatapos nila, maglalaban kaming dalawa ni Eamon as final training na rin.

"Meron siyang asawa pero hindi sila kasal" sagot nito.

Huh? Asawa pero hindi kasal? Pwede ba 'yon? Siguro lived-in partner lang, hindi asawa. Sabagay, para sa iba parehas lang ang katungkulan nila.

"Gano'n ba? Nando'n din ba siya sa Tenebris? May anak ba silang dalawa?" dagdag ko pang tanong.

"Wala siya sa Tenebris at wala din silang anak pero ang asawa niya'y nagkaroon ng anak sa iba"

(0_0)

Nagulat ako sa naging sagot niya, napakakumplikado kasi ng sitwasyon no'ng babae eh kasi syempre may asawa na siya tapos sa iba pa siya nagkaanak. For sure, ang sakit no'n sa part ng Dark King kaya siguro galit na galit siya, may kinalaman din kaya 'yon sa nangyayari sa kanya?

Kawawa naman pala siya, pinagtaksilan siya ng sarili niyang asawa, hays.

"Kung gano'n, nasaan ang asawa niya ngayon at sino ang ama no'ng anak niya?" tanong ko pa.

Nakita kong biglang isinara ni Iciel ang librong binabasa at tumayo pagkatapos ay binigyan ako ng isang malamig na tingin.

Well, lagi naman.

"Tapos na akong magbasa kaya di na kita masasagot. Siguro nga'y di pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang storya nila" sabi niya sabay alis.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon