CHAPTER 35: Luna and the Fire Kingdom

1.6K 102 3
                                    


•FAERO's POV•

"L-luna" mahinang sambit ko pagkakita ko sa kanya.

Di ako makapaniwalang nandito siya. P-paano niya kaya nalaman na nasa panganib kami?

Sino ba talaga siya?

*booooogsh!*

I was back on my senses no'ng may narinig akong sumabog. Napatingin ako sa mga dark mages, nakahandusay na ang iba samantalang ang tatlo sa gilid ay takang-taka kung sino ang babaeng 'to.

They're holding something at di ko alam kung ano ang bagay na 'yon. Ba't ba sila lumusob? I know they have reasons and I need to find it out.

Pinagpapatuloy ko na rin ang pakikipaglaban pero napapansin kong wala siyang balak na labanan ang tatlo kaya ako na ang gumawa. Dapat lang na ako kasi kaharian naman namin 'to.

Pinaulanan ko sila ng mga fire balls, sinusunog ko din ang paligid nila pero umusok lang ang kinaroroonan nila at nakalipat na sila ng pwesto.

F*ck! They can teleport? Ayys of course, kung di sila makakapagteleport, paano sila makarating dito? Stupid.

Pero di pa rin ako tumigil, nagpalabas ako ng mga fire blades at ibinato sa kanila. Kanya-kanya naman sila sa pag-ilag at sabay bato ng dark balls sa'kin, di ko 'yon napansin kaya tumilapon ako.

Napatingin naman sa'kin si Luna pero di ko makita ang itsura niya dahil sa takip nito. Tulad ng dati, wala na rin ang isang bato do'n dahil nasa akin na, isasauli ko nga pala 'to sa kanya.
 
Kahit namimilipit sa sakit ng katawan, tumayo pa rin ako at pinahid ang dugo sa labi ko. Nagawa kong sugatan ang pisngi ng isa at akmang susugurin na ako pero pinigilan siya no'ng isa. Sumenyas siya sa kanyang kasama, anong sinasabi nila?

Di ko maintindihan.

"Prince Faero of Fire Kingdom"

Nagulat ako sa biglaang pagsalita no'ng parang leader nila. She's a girl based on her voice but sh*t! I'm not familiar with it. Ba't niya binibigkas ang pangalan ko?

"Why are you here? Anong pakay niyo?!" tanong ko naman sa kanila.

"Wala lang. Masyado kasing pakampante ang mga hari at reyna niyo na iwan ang mga palasyo kaya ayan, nalusob tuloy kayo at nagkanda-ubos-ubos na ang mga kawal niyo HAHAHAHAHA"

Umigting ang panga ko sa narinig at galit na tumingin sa kanila. Napakawalang-kwenta ng mga dahilan nila! Sinira nila ang kaharian namin.

"Walangya kayo! Damn you!"

Tinawanan lang nila ako kaya mas lalong sumiklab ang galit sa puso ko at gustong-gusto ko na silang patayin pero di dapat ako mapagdalos-dalos.

"Sino siya?" malamig na tanong no'ng isa.

Napatingin naman ako sa tinuro niya. S-si Luna, patuloy pa rin siya sa pakikipaglaban dahil patuloy pa din ang paglabas ng mga dummies. Tang*na! Di ko pa pala napatay ang creator nila.

"Wala kayong pakealam kung sino siya!"

Sinugod ko na agad sila at pinagbabato ng mga fire balls, sinabayan ko na rin ng spikes. Nabuwag naman ang tatlo kaya inuna ko na ang gumagawa ng dummies.

Inilabas ko na ang elemental weapon ko, ang fire sword at iwinasiwas sa kanya. Nilagay ko naman ang dalawa sa isang ilusyon. Pero dapat makontrol ko 'yon dahil pag di ko sila matuunan ng pansin, maaaring makalabas ang isa sa kanila.

"Malalaman din ng Dark Lord kung sino ang babaeng 'yan HAHAHA"

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon! I will kill you all!"

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon