CHAPTER 8: Her uncontrolled power

3.2K 159 9
                                    

CHAPTER 8
 
 
Dali-dali kong inayos ang sarili ko't naunang maglakad para pumasok sa loob ng bahay.
 
Uwuuu! Nakakahiya talaga huhu.

Patay talaga ako nito!

B-ba't ba kasi kami nahuli? Ayy ChOur lang hihi. 

Di ko alam kung sumunod ba si Tomas pero talagang kinakabahan ako ngayon.

Huhu paano na lang kung palalayasin ako?

Saan ako pupulutin? May pupulot kaya? Ayy nubayan!

Papasok na sana ako kaso biglang nakasalubong ko ang dalawang demonyita.

Sheeeeeet! Paano na 'to? Paniguradong sinumbong na ako ni Ellaine kay Hanny.

Basta usapang lalaki ay talagang siya 'yong makakaharap. Huhu tulungan niyo ako!

Bigla silang napatingin sa'kin. Nanlilisik na naman ang mga mata ni Hanny samantalang nakangisi naman si Ellaine.

"Oh hi Aerin! Balita ko nilalandi mo daw si Thomas?!"

Balita? Aba'y magaling. Binalita pala 'yon? Saan kaya? Sa TV o sa radyo? Uwuuuu! Baka sisikat na ako nito.

"Ha! Inutusan lang kitang tawagin siya pero ano?!"

"Oo nga! ang sabi tawagin, hindi landiin!"

Jusko! Di ko naman nilalandi ang mokong na 'yon ah.

P-pero kung magpapalandi siya, aba'y game ako do'n! Charot.

"D-di naman sa gano'n Hanny k-kasi-------"

Huhu ano bang sasabihin ko?

"Aba't talagang magrarason ka pa ha? Lika nga dito! Tuturuan kita ng leksyon!"
 
Tae!

Anong leksyon? Kailan pa siya naging teacher?

Pero nagulat na lang ako no'ng bigla siyang lumapit sabay sabunot sa aking precious hair.

(0_0)

Taena!

"A-aray ko Hanny! Ang s-sakit naaaaaaaa. Tigilan mo na 'yan please? Masakit!"

Huhu feeling ko mahihiwalay ang buhok ko sa anit ko. Waaaaaaah! Tulong! Huhu

"Masakit?! Bagay lang 'to sayo kasi ang landi² moooo!"

Tae! A-ang sakit naaaaaaa.

Parang pusa din pala 'tong si Hanny, nangangalmot ey?

Di pa rin talaga siya tumigil sa kakasabunot sa'kin.

Infairness, ang strong ng hair ko ha? Buti na lang di siya napuputol agad, Palmolive kasi shampoo ko!

Ayy takte! Nagawa ko pang dumaldal sa lagay na 'to? Aba'y abno.

"A-ayaw mo ba talagang tumigil ha?" tanong ko pa sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.

Kung ayaw niyang tumigil aba'y pagbigyan ko siya. Whoooooh! War na iteeeeeey! 

"Hindi ako titigil hangga't di ka matatauhan! Isa kang malandi!"

*paaaaaaaaak!*

Putek! Talagang gigil na gigil na talaga siya ha? Kasi talagang sinampal pa ako ey!

*paaaaaaaaak!*

Oo syempre noh, dapat makasampal din ako. Masyadong masakit ang sabunot niya, tama na iyon.

"BA'T MO'KO SINAMPAL HA?!" sigaw ni Hanny sa'kin. Nanlalaki pa ang mga mata niya.

Abaaaa! Siya nga itong unang nanampal eh tatanungin pa ako? Boblaks din!

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon