CHAPTER 72: War Begins (Dark attacking the Light

1.4K 81 7
                                    


•AQUA's POV• 

"What the f*ck?!" gulat na sambit ng kapatid ko. 

(0_0)
 
Grabe!

Di namin inaasahan na ganito ang maaabutan namin sa bayan ng Villam. Nagkakagulo na ang mga naninirahan sa lugar, umiiyak at nagsisigawan.

Nakakaawa sila.

Ang mga taniman ay wasak na. Ang mga bahay ay nasusunog na rin pati na ang ilang mga tindahan.

"Kapatid, do'n ako sa kabilang banda! Mag-iingat ka, okay?" tawag sa'kin ng kapatid ko.
 
"Sige, mag-iingat ka rin. Magkikita na lang tayo dito pag natapos na" sagot ko.

Tumango lang siya sa'kin at umalis na. Naglagay na muna ako ng shield sa katawan ko at nagsimulang harapin ang mga dark mages na narito. 

Pinaulanan ko lang sila ng mga water balls at spikes pero nakakapagtataka, naglalaho lamang sila na parang bula pag natatamaan.

Hindi ganito ang mangyayari kapag napapatay namin ang mga dark mages, h-hindi kaya dummies lang ang mga ito?

Pero ang dami nila!

May mga umaatake na din sa'kin pero dahil sa shield na nilagay ko, hindi nila ako natatamaan ni nasusugatan.

"Owsh*t!" gulat kong sambit at umilag no'ng may malaking dark ball ang papunta sa direksyon ko.

Walangya 'yon ah!

Kapag natamaan ako no'n, for sure mababasag na ang shield ko. Umaatake na din ako at inilabas ang elemental weapon ko. Patay kayo ngayon sa'kin!

Iwinasiwas ko lang ang weapon ko at ang bawat matatamaan ay naglalaho. Wala akong itinitirang kalaban at sinisiguro kong mapapatay ko silang lahat.

"Aaaaah! Tulungan niyo po ako! Tulooooong!"

"Aaaaaaah!"

Napalingon ako sa sumisigaw, a-ang bata! Umiiyak at nanginginig sya sa takot habang kaharap niya ang isang naglalaway na halimaw.

Pakshet! Kailangan ko siyang tulungan. Ano bang gagawin ko sa mga kaharap ko ngayon?

"Waaaaaaah!"

Kasabay ng pagsigaw ng bata ay ang paghagis ko sa aking elemental weapon. Natamaan nga ang halimaw at nasaktan pero hindi pa siya namamatay.

"Uugh!" pamimilipit ko no'ng may biglang kumagat sa braso ko. 

Ang sakit! Ano ba 'to?

Agad kong tiningnan ang braso ko at nagulat ako sa kumagat nito. I-isang nakakamatay na Scorpion! Maliit lang siya pero grabe ang epekto ng kagat nito.

Putek! Hindi ako pwedeng mamatay.

Kinontrol ko ang hot water sa katawan ko at pagkatapos ay do'n pinapalabas sa kagat niya. Natanggal ko ang Scorpion at agad na pinisa.

"Ang liit mo pero ang sakit mo mangagat!" gigil kong sabi.

Hinihingal na din ako at nahihilo. Malamig ang pawis na dumadaloy sa'kin at parang may kung anong kumurot sa ulo ko.
 
N-no.

Asan na ba 'yong healing water na binigay ni Raiden? T-tama, nasa tagiliran ko 'yon.

Paano ba nakapasok ang walangyang 'yon sa shield ko? Ays!

"Nagulat ka ba?"

(0_0)

"Who the hell are you?!" gulat kong tanong sa babaeng bigla na lang sumulpot.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon