CHAPTER 58: She Explained

1.5K 75 5
                                    

•ERIS' POV•

No'ng umalis si Aerish ay sinundan siya ng boyfriend niya kaya sumunod na lang din kami. Parang si Aqua lang ata ang naiwan do'n kay Aerin. Ewan ko ba, parang sure na sure siya na inosente ang air mage na 'yon eh, hays.
 
"Aerish, parang hindi naman ata tama 'yong ginawa mo sa kanya" biglang sabi ni Raiden.

Oo nga naman. Kitang-kita ko kung paano nasaktan si Aerin kanina, naiyak pa nga eh pero may kasalanan din naman siya.

"Hindi rin naman tama ang ginawa niya eh" sagot nito.

Pansin kong pinunasan niya ang mga mata niya, umiiyak ba siya? Napakaiyakin talaga kahit kailan, hindi dapat niya iniiyakan ang gano'ng bagay dahil nagmumukha lang siyang mahina at kawawa.
 
"Pero babe, hindi pa tayo sigurado sa mga binibintang natin sa kanya" sabi pa ni Cold.

"Oo nga naman Aerish, hinayaan mo na lang sana siyang magpaliwanag" sabat naman ni Faero.

"So, ba't parang kasalanan ko pa? Sana hindi na lang kayo sumunod diba?" naiiyak nitong sagot.

May punto rin siya. Ba't ba ka kami sumunod?
 
"Ayaw naman naming mapag-isa ka babe eh"

"Tumahimik ka!" sigaw nito.

Tumahimik naman si Cold at ngumuso, parang pato amputek.  Tahimik din naman ang iba na para bang ang lalim ng iniisip. Hindi kasi kami nakapaghanda sa pagdating ni Aerin, nagulat na lang kami no'ng bigla na lang siyang sumulpot sa harap namin.

"Hindi ko inasahan ang pagdating niya. 'Yong sinabi ni Lawin ay tumutugma sa kanya kaya hindi imposibleng may kasalanan siya. Nawala siya no'ng araw na nangyari ang lahat tapos ngayon bigla siyang bumalik huhu"

Hays, umiiyak na nga siya.

"Tahan na babe, everything's gonna be okay kaya cheer up"
 
"Oo nga Aerish. Ngayong malapit na ang digmaan, kailangan nating pakinggan ang isa't-isa para magkaisa tayo. Hindi tayo dapat nag-aaway dahil ikahihina lang natin ito" sabi ko pa.
 
Oo, may kunting inis at inggit akong nararamdaman kay Aerin dahil kay Ice pero alam ko naman kung paano i-handle ang nararamdaman kong 'to.

Hangga't maaari, ayokong may makaalam dahil pwede 'yong maging weakest point ko.

"Tama si Eris, maaaring gamitin ng kalaban ang namuong galit sa puso mo kaya ngayon pa lang dapat mawala na 'yan"

"Paano mawawala ang galit sa puso ko ha Raiden? Kung alam kong nasa Tenebris ang mga magulang ko at nasa panganib sila. Kung wala siyang kasalanan, saan siya no'ng mga panahong 'yon? *sobs*"

Tsk. Tinanong pa talaga sa'min eh si Aerin lang naman ang nakakaalam kung nasaan siya sa panahong 'yon saka paano niya malalaman eh nag walk out siya kanina?
  
"I think, HM really knows kung saan siya galing" dagdag ko pa.

They looked at me with confusion kaya tinaasan ko sila ng kilay. Possible naman 'yon ah, ba't ganyan sila makatingin?

"Yeah, let's just ask him" sabat ni Ice.
 
Dahil sa pagsang-ayon niya, my heart skipped its beat na para bang kuryente ang boses niya na pumukaw sa nasaktan kong puso.

Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa'kin ang nangyari kagabi. Ngayong bumalik na si Aerin, masaya na kaya siya? Pero may iniwang sumpa si Freyda kaya di sila pwede at mas lalong hindi riin kami pwede, hays.

Hindi ko alam kung ano ang dapat ipangontra sa sumpa pero gagawa ako ng paraan para malaman 'yon. I love Ice at willing akong gawin ang lahat para sa kanya.

Kahit kalabanin ko pa ang tadhana, gagawin ko.

____________________________________
•AERISH's POV•

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon