CHAPTER 51: What happened to Lei?

1.4K 90 5
                                    


•RAYNDELL's POV•

"Natatakot ako *sobs* paano na lang kung may mangyaring masama sa kanila?" umiiyak na sabi ng babe ko.

Hindi talaga kami makapaniwalang nakuha sila ng mga 'yon. Hindi pa nga namin na solve ang problemang kinakaharap namin ngayon, may bago na naman.

"Don't be babe. I know they're okay, trust them" pagko-comfort ko pa.

"Okay? How did you know na okay lang sila ha? How?!"

Hays! Baka awayin na naman ako ng isang 'to kaya lang I need to calm her down dahil it's my job as her boyfriend diba?

"Uhm ano babe... K-kinausap ko sila, tama! Nakausap ko kasi sila and they said na okay lang sila kaya don't worry, okay?" sabi ko na lang.

"*sobs* totoo ba 'yan?" paniniguro niya.

"Oo nga. Diba may telepathic ability ako? Kaya totoo ang sinasabi ko"

Ilang sandali lang ay tumigil na din siya kakaiyak. Sumisinok pa talaga siya dahil do'n. Naaawa ako sa kanya kasi syempre mahal na mahal niya parents niya tapos wala pa talaga siyang magagawa para iligtas ito.

Hindi na kami pumunta pa kay HM kasi alam naming wala din siyang magagawa kundi ang maghintay sa paglabas ng mga kalaban. I know alam na din niya ngayon ang nangyari.

Sana okay lang sila do'n. Actually, hindi ko naman talaga nakausap ang mga magulang niya dahil ewan, sinubukan ko pero wala akong nakukuhang signal sa kanila. Sinasabi ko lang 'yon kay Aerish para tumigil na siya sa kakaiyak. Hays, I'm sorry babe.

Nandito nga pala kami sa kwarto niya and syempre isa akong gentleman kaya pinagkatiwalaan nila ako. Alam nilang wala akong gagawing masama kay Aerish, sa gwapo kong 'to? I'm not bad yah know.
 
Nilingon ko si Aerish, nakapikit na ang mga mata nito. Tulog na ba siya? Siguro nga napagod siya kaya nakatulog. May luha pa sa pisngi niya, naku iyakin pala ang future wife ko *smiles*.

Pinahid ko na lang ang mga luha niya at sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko. I gently touched her face and smiled like an idiot, tsk. Ang ganda kasi ng girlfriend ko eh.

"Rest well babe, lalabas muna ako" sabi ko pa sabay halik sa kanyang noo.

Kinumutan ko na rin siya pagkatapos ay lumabas na. Nadatnan ko pa sila pareng Faero, Ice at sila kapatid sa may sala na kapwa nakatunganga lang. Ginagawa ng mga 'to? For sure napapanis na ang mga laway nila. Nasaan kaya si pareng Raiden? Lumayas na naman ba?

Ang isang 'yon talaga.

"Where's Raiden guys?"

Try ko lang mag English baka sakaling sagutin ako. Alam niyo na, may lahing foreigner ang mga kaibigan natin.

"Lumabas"

"Bakit daw?"

"Ewan"

"Okay lang ba kayo?"

"Maybe"

Taena. Mabuti pa siguro kung tumahimik na lang ako kesa makipag-usap sa mga 'to, wala akong nakukuha na matinong sagot eh. Makakuha na nga lang ng pagkain sa kusina, hays.

Tumalikod na lang ako at naglakad para kumuha ng pagkain sa ref. May nakita akong box ng pizza kaya 'yon na lang ang kinuha ko, may tatlong slices pang natira. Nagtimpla na din ako ng pineapple juice para panulak. Di ko sila bibigyan, bahala sila.

*blaaaag!*

Huh? Ano 'yon? Ba't may kumalabog? Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala naman akong nakitang kahina-hinala.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon