CHAPTER 61: Finding the Truth

1.5K 80 7
                                    


•AERIN's POV•

"E-eamon!" gulat kong tawag kay Eamon.

Sino ba namang hindi magugulat eh bigla-bigla na lang sumusulpot, akala mo kabute pero dating unggoy pala HAHAHA charot lang.

"Oh? Gulat ka na nyan?"

"Hindi, ba't naman ako magugulat? Mas nakakagulat pa 'yong ikaw ang nilandi pero ang iba ang jinowa!" sagot ko pa.

Napakunot naman siya ng noo dahil sa hugot ko. Iba pala talaga epekto ng pagka-broken noh? Lahat may hugot na pwedeng makuha pero siya, hindi ko nakuha waaaaah huhu.

"Kumain ka na ba Terra? P-para kasing nababaliw ka na eh" alanganin niyang sabi.

Pinandidilatan ko naman siya ng mata dahil sa pinagsasabi niya. Wala siyang pinagkaiba kay RV, nilalait at inaasar nila ako, hmmmp!

Saka ako baliw? Nasa mental hospital ba ako? Boblaks nito. Wag kayong mag-alala, magtatayo ako dito ng mental hospital tapos si Eris ang unang pasyente, mas baliw 'yon eh.

Nakakaasar!

Nakakaloka.

"Gusto mo bang ikaw ang kainin ko ha Eamon? Makasabi ng baliw ang unggoy na 'to kala mo talaga, naku ewan ko na lang"

"Anong unggoy? Sinong unggoy, Terra?"

Parang nanghahamon pa ang isang 'to.

"Ikaw, sino pa ba? Duh" sagot ko na lang.

"HAHAHAHA ikaw ata ang totoong unggoy Terra eh"

Tingin niyo ako 'yong baliw? Siya 'tong tumatawa dyan eh wala namang nakakatawa.

Saka ako pa daw 'yong unggoy? Lechonin ko kaya siya? Ansama ko naman ata hihi.

"Ba't mo naman nasabi 'yon abeeer?" tanong ko pa.

Nagpipigil naman siya ng tawa habang ako eh nagpipigil ng uhog pero charot lang HAHAHA di naman ako uhugin.

"Eh diba ikaw 'yong kumain no'ng saging do'n sa gubat? HAHAHA" patawa-tawa niyang sagot.

Agad naman akong nagpalabas ng apoy sa kamay ko para sana tirahin siya kaya lang nakagawa agad siya ng shield.

Mabilis huh.

"Teka! Ba't ka nagpalabas ng apoy? Makita ka pa ng iba, lagot ka saka nagjo-joke lang naman ako eh" nakataas-kamay niyang sabi kahit nasa loob naman siya ng shield.
 
Oo nga noh? Di nga pala ako pwede gumamit ng ibang kapangyarihan maliban sa hangin.

Eh kasi naman nadala ako do'n lechonin thingy! Nakakainis naman kasi ang Eamon na 'to, ngayon na nga lang nagpakita, inaasar pa ako.

Saka pag kumain ba ng saging, unggoy agad? Siya nga di pa kumain ng saging, unggoy na eh!

"Hindi bumenta ang joke mo, better luck next time na lang. Haynaku Eamon, samahan mo na lang ako kay HM kung ayaw mong lechonin talaga kita"

Alinlangan naman siyang lumapit sa'kin, akala ata nito totohanin ko 'yong sinabi ko, pfffft. Takot pa rin ata siya sa'kin, naku.

Naglakad lang kami ni Eamon kasi hindi ko naman pwedeng gamitin ang teleportation ko. Hindi din siya pwedeng gumamit ng kahit anong mahika maliban sa shield kasi nasa lower class siya.

"Eamon, bakit ngayon ka lang eh ilang araw na akong nakabalik dito?" tanong ko pa.

"Na miss mo'ko?" ngisi niyang tanong.

Inirapan ko na lang siya at nauna ng maglakad, humabol naman siya sa'kin. Sanaol hinahabol, ako kasi iniiwan huhu nubayan!

"Pasensya ka na kung nahuli ako ng dating Terra. Alam mo namang nalason ako no'n diba? Ginamot pa nila ako kaya natagalan ako" paliwanag niya.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon