CHAPTER 12: The Royalties

2.7K 141 1
                                    

CHAPTER 12
 
 
"Heyaaaaah!" sigaw ko sabay talon sa aking kama.

Katatapos ko lang mag design ng buong kwarto at talagang napagod ako pero worth it naman.

Ang ganda na ng kwarto ko, uwuuu!

Clouds-like design na kama, galaxy-like design na ceiling, nature-like design na wall, moon lamp, at mala-snow na sahig hihi.

Super gandaaaaaa! Mainggit kayo please?

Tapos 'yong banyo ko na sobrang lawak, ang design naman is parang nasa gitna ako ng dagat. Nilagyan ko pa ng pink na dolphins sa sahig, hihihi.

Kung iyong titingnan ang kubuuan, halo-halo na ang designs pwede na maging halo-halo talaga! HAHAHA baliw.
 
"Woaaaaaaaaah!"

Napalingon ako sa taong manghang-mangha sa kanyang nakikita.

'Si Caeli'

"Hehe hi Caeli, maganda ba?"

Nanlalaki talaga ang mata ni Caeli sa sobrang mangha!

Yieeeee! May talent na ba ako bilang artist? Painter? Ah basta!

Special thanks kay Glaciero, siya ang nakaisip no'ng iba hihi. 

"OmoooooO! Sobrang ganda Twinny! Uwuuuu sana ikaw na lang pinag-design ko sa akin waaaaaaah!"

Abaaaa! Ginawa pa akong taga-design, buti na lang di ako ang nag design sa kanya baka mamaya nyan gagawin ko'ng haunted kwarto 'yon HAHA.

Nilibot pa ni Caeli ang buong sulok ng kwarto at pati banyo ko di pinalampas, ay.

"Waaaaaah! Ang cute ng dolphins! Ba't di ko naisip 'to?"

Ay syempre, ako lang dapat ang makaisip nyan noh.

"Nga pala Twinny! Andyan na 'yong iba nating kasama. Halika, ipapakilala kita"

(0_0)

Haluuuuuuh! Andyan na sila? Uwuuu kinakabahan akoooO.

"S-sige hehe"
 
Ano kayang magiging reaksyon nila pag makita na nila ako?

Magugulat kaya? Matuwa? O baka matawa?

Ayy takte! Di naman ako parang clown ah.

Palabas na kami ni Caeli no'ng biglang kakabukas lang din no'ng pintuan na kulay Red.

'Si Faero?' Pero mukhang bet ko siyang tawaging 'Red' dahil sa buhok niya, parang manok na pula~ chOur.

"Oh hi Aerin! Di ka pa pala nagbibihis?"

(0_0)

Eh? Paano ako magbibihis eh wala naman akong dalang damit dito?

"Oo nga pala Twinny! Di ko nasabi sa'yo, naku!"

Huh? Ang alin?

"Na ano naman 'yon Caeli?"

Don't tell me ma-----

"May damit ka na pala do'n sa cabinet mo! Di mo nabuksan?"

Eh? Wala naman siyang sinabi kanina ey. Saka di ko ugaling makialam lalo na't di ako sinabihan.

S-saka, napaka-straight forward naman nitong si 'Red'.

Bakit? Mukha ba akong dugyutin sa suot ko? Hubaran pa kita dyan eh, charot.

"Eh di ko naman alam Caeli ey. Ano? Bihis muna ako?"

Baka mamaya nyan, mabaho na pala ako.

Teka, maamoy nga!

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon