CHAPTER 42: god of earth

1.5K 90 3
                                    


•AERIN's POV•

"G-glaciero?"

Di ako makapaniwalang nandito siya at nauna pang sumakay sa pegasus na pinili ni RV. Kahit si RV ay di nakapagsalita sa ginawa niya. Iba ang pumili pero siya ang sumakay, aba'y iba.

"This is my favorite pegasus. You can find another pegasus if you want. I'll go ahead"

(0_0)

Napanganga na talaga ako no'ng umalis na talaga siya sakay ang pegasus na 'yon. Watdahek? Nang-aasar ba siya? Ano bang trip niya? Kalowka.

"Ha! Wow! A-ano bang----aaaargh! Ano 'yon? May saltik ba ang isang 'yon?" tanong ko pa habang pakurap-kurap.

Di talaga ako makipaniwala sa ginawa niya. P-parang bata amputek ey?

"Hahaha hayaan mo na 'yon Ae, Baka favorite niya talaga 'yon. Oh, pumili ka na lang ng iba"

Napa-pout naman ako habang tinitingnan ang mga pegasus na nandito. Ang bait ni RV, di man lang siya nagalit o nainis kay Glaciero.

"'Yang purple na lang ang sasakyan natin RV" sabi ko pa sa kanya.

Alam niyo ba 'yong 'I Purple You'? Oo, I Purple You mga mahar! Hahaha charot.

"Okay sige"

Tinawag naman niya ang pegasus na pinili ko at agad naman itong lumapit. Inilahad ni RV ang kanyang kamay na para bang hinihintay ang kanyang reyna hihi. Feel na feel ko naman ang paglapit at pagtanggap sa kamay niya. Oh? Mainggit na kayo! Napaka-gentleman ni RV, sobrang bait.

Ang swerte siguro ng babaeng magugustuhan niya.

May nagugustuhan na kaya siya? Sino naman kaya 'yon?

Sumakay agad ako sa likod ng pegasus at sumunod naman siya. Nasa likod ko siya para umalalay sa'kin. Jusko! Pirs taym ko 'to kaya natatakot ako huhu.

"RV, saan ako hahawak? Baka mahulog ako" nag-aalala kong sabi sa kanya.

"Hindi 'yan, akong bahala sa'yo. Heto, hahawakan ko lang ang kamay mo para di ka mahulog okay?"

Marahan akong tumango at may binigay siyang tali sa'kin kaya hinawakan ko din 'yon. Bale sa tali ako nakahawak habang nakahawak naman siya sa kamay ko para i-guide ako.

Enebe nemen yen hihi.

Wooooh! Ito na, l-lilipad na kami huhu. Hindi kami maaaring gumamit ng kapangyarihan pag papunta kami roon at kapag di kailangan. Ang hirap naman nito ey?

"Ay!"

Nagulat pa ako no'ng biglang gumalaw ang pegasus at unti-unting umangat. Pumikit naman ako dahil sa kaba na baka mahulog ako pero kumalma din no'ng bahagyang pinisil ni RV ang kamay ko.

Tama!

Nandito sa RV at alam kong di niya ako pababayaan.

"Ae, wag kang matakot. Tingnan mo, ang ganda diba?"

Napatingin ako sa tinuro niya. Sobrang ganda ng mga ulap pati na ang araw na hindi pa masyadong sumikat. Ang lamig ng hangin, ang sarap sa pakiramdam. Dahil sa mga nakikita ko ay kumalma na din ako.

Hindi masyadong mabilis ang pagpapalipad namin sa pegasus. Sakto lang para di ako kabahan hihi. Nae-excite na tuloy ako.

Ano kayang itsura ng tiangge nila dito? Katulad din kaya sa mortal world na maraming tao at paninda? Ano kayang bibilhin ko? T-teka----

"RV? W-wala pala akong pera!" sambit ko sa kanya.

Pupunta kaming tiangge pero walang dala na pera? Eh? Anong gagamitin ko? Wala ba akong mabibili sa pamamasyal namin ngayon? Hays! Ang pangit naman.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon