CHAPTER 25: Another Chosen Heiress?

1.8K 98 4
                                    

CHAPTER 25
 
 
•AQUA's POV•

"S-sorry talaga. S-sorry sa inyo"

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang huling linya ni Aerin bago siya umalis. Nakita ko pang nagpunas siya ng luha no'n.

"Aaaaaaargh di ko naman sinasadyang sabihin 'yon sa kanya!"

Ewan ko ba, nagsisisi talaga ako sa ginawa ko. Tingin ko nasaktan ko siya, waaaaah huhu.

"Yaaaan! Wala kasing preno ang bibig eh"

"Heh! Dinagdagan mo pa ang guilt ko ah"

"Ikaw kasi"

"Sorry na nga eh"

"Tsk. Say that word to her Ms. Walter"

Napalingon naman ako kay Ice. Tama siya, dapat kay Aerin ako mag sorry pero nahihiya ako sa kanya, baka mamaya nyan eh magalit siya sa'kin o di kaya di niya ako papansinin.

"HAHA 'yan! Di ka pa kasi nasanay sa'kin kapatid ey HAHAHA joke ko lang naman 'yong pagsuka ko. You know I'm a good actor"

(0_0)

What?! All this time naglolokohan lang pala kami nitong kapatid kooooO?

*paaaak!*

"Langya ka! Nakasakit pa tuloy ako ng iba dahil sa'yo tapos sasabihin mo joke lang 'yon?!"

"A-aray ko naman!"

"Heh! Bagay lang 'yan sa'yo!"

"Haha love mo talaga ako kapatid noh?"

"Heh! Tumigil ka!"

Pinaghahampas ko siya at siya naman eh todo ilag. Nandito pa rin kami sa kwarto niya dahil akala talaga namin eh totoo ang dinaramdam niya eh joke lang pala.

Waaaah! Sorry Aerin huhu.

____________________________________
•AERIN's POV•

"Thank you po talaga HM ha? Waaaaah ambait-bait niyo naman po. Kung sino man 'yong jowa niyo o asawa, paniguradong ang swerte-swerte po sa inyo. Grabe talaga!"

Masayang-masaya kong sabi kay HM. Waaaaah! Pumayag siya guys na i-transfer ako sa ibang dorm kyaaaaah!

"HAHA salamat Ms. Sandoval, si Mr. Raiden na lang ang maghahatid sa'yo do'n sa lilipatan mo okay?"

"Sige po, thank you po ulit"

Ngumiti naman si HM at tumango. Nagpaalam na din kami sa kanya at pagkatapos ay lumabas na.

Pagkalabas namin ay talagang napayakap ako kay RV sa sobrang tuwa. Waaaah! Sa wakas malalayo na ako sa mga Royalties na 'yon, hmmmp.

"Hey! Hey! easy lang HAHAHA"

"A-Ay hehehe"

Napabitaw naman ako kay RV. Sheeeet! Sorna agad, na carried away lang ey hihi. Saka tsansing din, secret lang natin 'yon ha?

"Sorry RV ha? Sobrang saya ko lang kasi eh hehe"

"OKs lang 'yon. Tara na?"

"Tara!"

Pupunta muna kami sa dorm ng mga Royalties para kunin ang mga gamit ko. Nando'n pa kaya sila? Pipigilan kaya nila ako? Syempre hindi duh. Pero if ever, magpapapigil ba ako? Hmmm hindi rin, natauhan na ako eh.

Habang naglalakad kami eh may naisip akong itanong sa kanya. Siguro naman eh sasagutin niya ako.

"Ayy nga pala RV, di ka ba magte-training? Di pa kasi kita nakikita do'n sa training ground eh"

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon