CHAPTER 77: Confession and Sacrifices

1.8K 101 15
                                    


•RAIDEN's POV• 

Lahat kami ay nagulat.

Napanganga na lang sa nakikita.

Hindi kami makapaniwalang si Aerin pala ang totoong Chosen Heiress. 

Ang tagal niyang inilihim sa'min ang katauhan niya pero alam kong may rason siya.
 
Maging si Ice ay di inaasahan ang bagay na 'to. Siya ang nagdala kay Ae dito sa mundo namin pero kahit siya ay walang alam.

Galit si Aerish no'ng tungkol sa Luna pa lang ang nalaman niya pero ngayong nalaman na naman naming si Ae din ang Chosen Heiress, hindi ko alam ang nararamdaman niya.

Nagpaliwanag naman si Chosen. Sinabi na niya ang lahat-lahat na talagang ikinagulat namin.
 
------------------Flashback-------------------

Iniwan namin sila Aerin para makapag-usap na silang dalawa ni Ice kaya lang di nagtagal, nagkaroon ng mga pagsabog sa iba't-ibang bahagi ng lugar.

Pagkalingon namin sa kinaroroonan nila Aerin ay siya naman pagsabog nito.

Hindi na kami nakabalik pa dahil may mga iba't-ibang nilalang na naman ang lumalabas at mga dark mages.

Sama-sama kaming nakipaglaban ni Aqua, hangga't maaari ay ayokong malayo siya sa'kin.

Nasa kanilang banda sila Aerish at pansin kong parang nagtatalo pa silang dalawa. For sure, it's all about Aerin and the truth na talaga namang ang hirap i-absorb.

Ilang sandali lang ay lumapit sa'min sila Faero at Chosen, magkasama din silang nakikipaglaban.

Kung dati pareho sila ng kapangyarihan, ngayon ay nag-iba na kasi ang kapangyarihan ng totoong Lux Queen ang nasa kanya. 

Sa kalagitnaan ng pakikipaglaban namin ay narinig pa namin ang malakas na sigaw ni Aerin kasabay ng pagsulpot ni Ice.

Nagkahiwalay ba sila dahil sa pagsabog kanina? Nagkausap kaya sila?

"What the hell is she doing?!" inis na tanong ni Ice.

"Ginagalit niya ang Dark King. B-baka lalo pa tayong mapahamak" alalang sambit ni Faero. 

Yumanig nga ang lupa kaya napapasigaw ang ilang mga Luxiers pero ilang sandali lang ay tumigil din naman.

At tama nga ang hinala namin, may mga sandatang pabulusok na papunta sa isang direksyon, panigurong si Aerin ang puntirya no'n.

"F*ck!" pagmumura ni Ice at akmang aalis no'ng kinontrol ko ang katawan niya.

Hindi siya dapat pumunta do'n, masyadong delikado. Nakakagulat ang katapangang pinakita ni Aerin at maging ang mga Luxiers ay nagulat din.

Pero kung nagulat kami kanina, ngayon ay talagang nanlaki na ang mga mata namin sa gulat dahil sa nasaksihan. 

Lahat kami nakatingin sa nakalutang na si Aerin aka Luna pero napanganga na lang kami sa sobrang pagkagulat no'ng bigla na lang siyang nag-iba ng anyo.

(0_0)

M-maging ang suot niya ay iba na rin.

Umiilaw ang katawan niya at kahit malayo kami ay tanaw na tanaw namin ang mga simbolo na nagpapatunay na siya ang tinatawag na 'The Chosen Heiress'.

Samu't-saring mga salita ang naririnig namin pero wala kaming naiintindihan. P-paanong may ganyan siya k-kung may ganyan din si C-chosen?

Dahil sa naisip, sabay kaming napalingon kay Chosen. Nakayuko siya at huminga ng malalim.

"Chosen? What's the meaning of this?" takang tanong ni Ice.

"C-chosen, m-may itinatago ka pa ba sa'kin? S-sa'min?" malungkot na tanong ni Faero.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon