CHAPTER 38: Her True Color

1.6K 94 7
                                    


•RAIDEN's POV•

Nandito kami ngayon sa bayan ng Herbalia, ang bayan kung saan makukuha ang iba't-ibang klase ng halamang-gamot.

Actually, nando'n ako sa office ni HM no'ng biglang dumating ang ibang mga prinsipe at ibinalitang may kaguluhang nagaganap dito sa bayan.

Nag-aalala ako dahil dito nakatira ang kaibigan kong si Jun. Isa siya sa mga tumulong sa'kin no'ng namatay ang ina ko.

"Hey! Let's separate"

"Sige! Do'n ako sa may bandang kanluran"

"Okay, sa kabila naman ako"

"Do'n ako"

"If everything's done, let's meet up here!"

"Copy"

Sabay-sabay naman silang umalis para tulungan ang ibang mga tao. Tao lang sila pero bahagi pa rin sila ng Lux at may kakayahan silang magpatubo ng mga halamang-gamot, they have a green thumb kumbaga.

Naiwan ako dito sa may bandang palengke kung saan may mga nagtitinda. May mga batang nagsisitakbuhan kaya sinabihan ko silang pumunta sa may safe zone at wag aalis do'n.

Gumawa ako ng mga clones upang mga linlangin ang mga dark mages na ngayon ay nanghahasik ng kasamaan.

Ang mga clones ko ay pwede ring gumamit ng kapangyarihan na tulad sa'kin pero they can't use my abilities, ako lang kasi dapat ang gumamit no'n.

I need to find Lola Sinang and his grandson Jun, I need to save them!

Dali-dali akong tumakbo papunta sa tindahan nila Jun pero may biglang sumulpot na isang nilalang sa harap ko.

Uh-oh!
 
Naglalaway siya at alam kong nakakalason ang laway na 'yon. I was shocked no'ng biglang dumami siya at paliit ng paliit. Ow, this creature knows how to divide itself!

Wala na akong sinayang na oras, bago pa man sila umatake ay pinaulanan ko na sila ng mga kidlat. Some of them vanished pero may ibang umaakyat sa paa ko pero namamatay din agad dahil sa voltage ng katawan ko.

May mga dark mages din akong nakalaban pero di ko sila hinayaang masugatan ako. Wala akong sinayang na oras, I killed them with anger. Sila ang pumatay sa ina ko. 

Dark mages...

Ilang sandali lang ay natalo ko rin sila pero di talaga maiwasang masugatan ako but I don't care. Ang importante ay mailigtas ko ang kaibigan ko at ang lola niya. 

I ran as fast as I could papunta sa tindahan nila. There, I saw them in the corner. Umiiyak ang Lola niya at nagtatago lang sila do'n.

"Jun!"

"V-voltaire?" gulat niyang tanong.

No'ng lumapit ako sa kanila, he gave me a bro hug then handed me his grandma. Kailangan ko silang dalhin sa safe zone!

Palabas na sana kami no'ng biglang may apoy na sumalubong sa'min. Kumalat agad ang apoy sa bubong nila kaya napayuko kami.

Ang init!

Umuubo na rin si Lola dahil sa usok. F*ck! We need to get out of here!

I used my strength to carry them at mabilis na tumakbo palabas. I can be as fast as a lightning, remember? No'ng nakarating na kami sa safe zone, ibinaba ko naman agad sila at gulat na gulat namang tumingin sa'kin si Jun. 

He knows that I have power pero di niya alam na gano'n ako kalakas na kaya ko silang buhatin. I just gave him an assuring smile.

"Dito lang kayo. Wag kayong aalis dyan, may kailangan pa akong tapusin"

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon