CHAPTER 17: The Fire Symbol

2.2K 116 2
                                    

CHAPTER 17
 
 
•AERIN's POV•

Usok.

Isang makapal na usok ang nakikita ko.

Sheeeeet! N-nasaan na naman ba ako?

Saka ba't may usok? May naninigarilyo ba dito? May nagsusunog?

W-wait? Sunog?

Sunog? Eh diba may apoy 'yon?
 
"FreymoooooooO?"
 
Nandito kaya ako sa Faerodamia? Ba't iba na naman ang paligid?

Dati parang impyerno kasi nakikita ko talaga ang apoy!

Ngayon kasi isang makapal na usok lang ang nakikita ko pero di naman masyadong mainit.

"Freymooooooo! Nandito ka ba?"

Nasaan ba ang god of fire na 'yon?

Don't tell me nakikipagtaguan siya sa akin? Aba'y mukhang bata din pala ang ungas na 'yon.

"Hoy! Magpakita ka nga! "

Abaaaa ang isang 'yon eh talagang inisturbo pa ang tulog ko.

Galing pa naman akong training. Wala akong masyadong pahinga!

Sumakit kasi bigla 'yong wrist ko kanina kaya napadaing ako pero pag gising ko, andito na ulit ako sa mala-impyernong lugar ni Freymo.
 
"FREYMO JHAE!" malakas na sigaw ko.

"Hi Freya! HAHAHAHA"

Aba'y baliw nga.

"Anong tinawa-tawa mo dyan? Abaaaa talagang do'n ka pa lalabas pag full name ha! Arte neeeeto"

Inirapan ko naman siya agad. Syempre, naputol ang tulog ko dahil sa kagagawan ng god na ito. 

"Syempre noh! Eh nag effort kaya ako sa pakikinig dyan sa pangalang 'yan kaya dapat lang na maisama siya sa first name ko"

'nye nye nye' kung ano-anong pinagsasabi, wala namang kabuluhan.

"Oh? Ba't na naman ako nandito? Don't tell me ngayon mo na ibibigay 'yong kapangyarihan mo? Abaaa Freymo ha, wala akong pahinga! Galing akong training kaya sa susunod na lang 'yan"

Sa sobrang haba ng sinabi ko eh tinalikuran lang niya ako. Talaga bang iniinis ako nito?

"Hoy! Ano ba? Kinakausap kita ah"

Tumingin naman ito sa'kin ng seryoso. Tae! Natakot naman ako bigla sa itsura niya.

Hihi joke lang 'yon fire god.

"Freya, hindi ito isang walang kwentang bagay para sabihin mong sa susunod na lang. Ngayon ang itinakda kong oras para tuluyan mo na itong matanggap"

Oo na, joke lang naman 'yong kanina eh. Wag mo ng dibdibin Freymo Jhae, wala ka naman no'n ey.

"Eh? Paano 'yan? Di ako nakapagpahinga ni nakapaghanda. Si HM kasi bigla kaming pinagtraining dahil paparating na ang battle"

Nakapout kong sumbong sa kanya. Sana naman maawa ang god of fire na 'to para ipagliban na muna niya ito.
 
"Alam ko ang bagay na 'yon Freya pero hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko. Ngayon mo mismo tatanggapin ang kapangyarihan ko. Ito ang sinabi kong mas masakit at mahirap ang mararanasan mo dahil nga wala kang pahinga. Wag kang mag-alala, di ka naman mamamatay nito eh"

(0_0)

Di ko alam kung nagjo-joke ba siya o ano eh. Saka anong di mamamatay? Eh ano lang?

Nakuuuu, pinagloloko ata ako nito ey.

"P-pero ano, magmamarka din ba ang symbol of fire sa wrist ko?"

Paktay! Paano na lang kung gano'n? Baka makita nila Caeli ang simbolong 'yon. Eh 'yong pantali ng buhok pa naman ang itinakip ko do'n.

THE CHOSEN HEIRESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon