SCHOOL 6

586 36 3
                                    

JASMINE

Nilingon ko si Dylan na tahimik lamang sa aking tabi. Nakasakay kami sa kanilang sasakyan at kasama ang driver na maghahatid sa akin pauwi.

"Galit ka ba?" pagbasag ko sa katahimikan.

"Sa susunod wag mo na akong ihahatid." napanguso ako ng marinig ang kaniyang sagot.

"Sa susunod, sa labas na lang kita ihahatid at hindi na ako papasok sa loob para wala ng makaalam na hinatid kita." nilingon niya ako saglit at inilingan.

"Pasaway." bulong niya pero narinig ko pa din.

"Dito na lang po."

"Dito kayo nakatira?" kunot noong tanong ni Dylan ng makita ang eskinitang dadaanan ko papasok sa amin.

"Sa bandang looban pa. Dito na lang kayo since hindi naman magkakasya itong sasakyan sa loob. Salamat sa paghatid ha." nakangiti kong sabi sa kaniya. Bumaba na ako sa kanilang sasakyan at kinawayan siya. "Sige na! Alis na kayo! Bye!"

He looks hesitant for a bit at tinignan pa muli ang eskinita pero tumango din naman bilang pamamaalam. Hinintay kong makaalis ang kanilang sasakyan bago ako naglakad papasok sa amin.

"Ma, nandito na ako."

"Oh nandyan ka na pala. Tamang tama, ikaw na muna ang bumili ng gamot ng Papa mo." kinuha ko ang perang inabot niya sa akin.

"Sige Ma."

Pumunta na ako sa botika para bumili ng gamot. Pagbalik sa bahay ay ako na ang nagpainom ng gamot kay Papa habang nagluluto si Mama.

"Pagaling ka Pa." nakangiting sabi ko at niyakap siya.

Tumango naman siya at ngumiti.

"Papasok ka ba mamaya?" tanong ni Mama ng pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Opo Ma. Ang sabi ni Cleo kailangan daw ng waitress ngayon. Hindi ako pwedeng umabsent."

"Eh maaga pa ang pasok mo sa school bukas di ba?"

"Okay lang. Makakaidlip pa naman ako sa breaktime ko mamaya."

Nginitian ako ni Mama at niyakap.

"Pasensya ka na anak ha. Imbes na nakafocus ka sa pag aaral mo kami pa ang iniintindi mo."

"Ma, okay lang. Isa pa, mga magulang ko kayo at tungkulin ko na tulungan kayo ni Papa."

Ngumiti siya at hinaplos ang aking buhok.

"Napakaswerte namin sayo anak."

Nginitian ko si Mama.

"Jas, sa table 14 ka."

"Okay Sir."

Dala ang maliit na notebook ay naglakad na ako palapit sa table 14.

"Good evening po. Ano po ang order nila?" nakangiting tanong ko sa mga customer.

"Ms. Bottled Water."

"Ikaw?" gulat kong sabi sa isa sa mga lalaking nakaupo sa table.

"We met again." nakangising sabi niya. "Nagtatrabaho ka pala dito? You look good on your uniform tho." pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You know her bro?" tanong naman ng isa pa sa dalawang kasama niya.

"Nakilala ko sa school kanina." sagot ni Simon.

Tumikhim ako at inalala na nasa trabaho ako ngayon.

"Ano pong order ninyo Sir?"

Mahinang natawa si Simon bago ibinalik ang tingin sa menu na hawak. Tumagilid ang kaniyang ulo at muli akong tinignan.

"Can I order you for take out instead?" nakangising sabi niya.

Natatawa na lang ako at napapailing sa tuwing maaalala ko ang sinabi ni Simon. Napakahambog talaga. As if naman na magpapatake out ako sa kaniya no. Tss.

"Una na ako Cleo. Ingat ka mamaya sa pag uwi mo."

"Ingat Jas."

Nakipagbeso ako sa kaniya bago tuluyang lumabas sa restaurant. Alas dos na ng madaling araw at heto pauwi pa lang ako. Alas sais pa ang unang klase ko para mamaya. Nakakapagod pero kinakaya naman para sa mga magulang ko.

"Hey!"

"Ay kabayo!" nilingon ko ang lalaking nanggulat sa akin at nanlaki ang mga mata ng makita si Simon. "Nandito ka pa? Kanina pa kayo umalis di ba?"

"Tinanong ko yung katrabaho mo kung anong oras ang out mo. I slept in my car. Nag alarm ako para magising."

"Eh bakit? I mean, anong kailangan mo sa akin?" naguguluhang tanong ko.

Tumingin siya sa kalsada bago ako muling tinignan.

"It's already late. Mahihirapan kang sumakay. Ihahatid na kita."

"Sigurado ka bang walang kapalit ito ha?"

Muling natawa si Simon dahil pang apat na tanong ko na iyon sa kaniya. Nakasakay na kami sa kaniyang sasakyan. Aba! Hindi na ako nag inarte dahil totoo namang mahihirapan akong sumakay sa ganitong oras.

"Wala nga. Wala lang akong magawa."

"Tss. If I know, may masama kang balak sa akin. Teka. May gusto ka ba sa akin?" diretsahan kong tanong.

Lalong lumakas ang tawa ng lolo niyong si Simon.

"Mahilig ako sa babae pero may taste naman ako no."

"Aray ha! Para namang napakapangit ko." nakasimangot kong sabi. "Pero okay na din yan kasi may iba na akong gusto at nililigawan ko na siya."

Napansin ko ang pagkawala ng kaniyang ngiti at pagseryoso ng mukha.

"At ipinagmamalaki mo yun?"

"Oo naman. Wala namang mali sa ginagawa ko ah. Gusto ko siya eh."

Napatingin ako sa harapan at nakita ang pagpula ng stoplight kaya huminto din siya sa pagmamaneho.

"Gusto mong tulungan kita na mapasagot siya?"

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now