SCHOOL 47

459 22 9
                                    

Double update for you guys! Enjoy reading 😘💕

-----------

JASMINE

Napatingin ako kay Dwayne na kanina pa tahimik. Hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita kagabi at bigla na lang umalis.

Nandito na kami sa private yatch nila Ate Lauren. Si Tita Marie ay muling nakatulog sa isa sa mga kwarto at sila Kuya Daniel naman ay nasa deck.

Bumuntong hininga ako at nilapitan na si Dwayne na nakahiga sa sun lounger. Suot suot niya ang mamahalin niyang shades at hindi ko alam kung nakatulog na ba siya o ano.

"Dwayne?" pagtawag ko sa kaniya pero hindi siya sumagot. Naupo ako sa isa pang sun lounger na malapit sa kaniya. "I hope you know that I treasure you a lot. Kayo nila Tita at Kuya Daniel." panimula ko. "I won't be here if it weren't for you guys. Kahit naman magkita kami ulit hindi mababago yung mga panahong nakasama ko kayo. Yung mga naitulong niyo sa akin."

"May balak ka bang bumalik sa kaniya kapag nagkita kayo ulit?" tanong niya.

Nang lingunin ko siya ay ganoon pa din ang kaniyang pwesto. Malungkot akong napangiti at tumingin sa malawak na dagat.

"Maybe he already have someone else."

"And if he's still single?" sunod niyang tanong dahilan para muli ko siyang lingunin. Nakaupo na siya ngayon at wala na ang salaming suot kaya naman kitang kita ko ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin. "What if he's still waiting for you?"

"There you are. Tara na, kumain muna tayo."

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba ang pagsulpot ni Kuya Daniel. Nakahinga ako ng maluwag dahil nagkaroon ako ng dahilan para wag sagutin ang mga tanong ni Dwayne.

Nang makarating sa private beach resort ng pinsan ni Ate Lauren ay hindi ko mapigilang wag mamangha sa buong paligid. Napakaganda at napakapresko ng hangin. Malinis ang buong paligid at malaki din ang mga villa na nakahilera doon.

"Wow." namamangha ding sabi ni Tita Marie.

"Parating na din po ang iba naming mga kamag anak. Tara na po sa loob. Nandoon na po sila Mommy at Daddy." nakangiting sabi ni Ate Lauren.

Pagpasok namin sa isa sa mga villa ay muli na naman akong namangha sa sobrang ganda ng loob. Mukhang mamahalin ang lahat ng gamit at maaliwalas pa. Parang gusto ko tuloy dito tumira.

"Tita, this is my Mom and Dad. Mom, Dad si Tita Marie po Mommy ni Daniel." nakangiting pagpapakilala ni Ate Lauren sa kanila.

"Hi balae!" nakangiting sabi ng Mommy ni Ate at niyakap si Tita.

"Hi din balae!" natatawang sagot ni Tita. "By the way, this is my youngest son Dwayne and my daughter Jasmine."

"Wow. Magaganda ang lahi ninyo ah." pabirong sabi ng Daddy ni Ate Lauren.

Nagsimula na kaming kumain ng tanghalian. Mabilis naman na nagkasundo ang mga pamilya.

"Ang ganda mo naman hija. Tamang tama at single pa ang pamangkin ko na may ari nitong resort. Pwede kitang ireto sa kaniya." nakangiting sabi ni Tita Alice.

Sasagot pa sana ako pero nauna ng magsalita si Dwayne na ikinatahimik ko.

"I'm sorry but she's taken." lahat kami ay nagulat sa sinabing iyon ni Dwayne.

"Really? May boyfriend ka na?" gulat na tanong ni Kuya Daniel.

"Wala pa no! Nangtitrip lang po itong si Dwayne." sabi ko at awkward na tumawa.

Palihim kong siniko si Dwayne at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang siya at nagkibit balikat na ikinailing ko.

Pagkatapos kumain ay nakatulog si Dwayne sa guest room. Wala akong magawa kaya naisipan kong lumabas at maglakad lakad sa tabing dagat. Alas kwatro na ng hapon kaya hindi na masyadong mainit. Mamayang alas otso ng gabi ay ang pormal na pamamanhikan ni Kuya Daniel at ang unang dinner ng buong pamilya na magkakasama.

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa dagat na maalon. Hinayaan kong mabasa ang aking paa at damhin ang tubig dagat. Napangiti ako at napapikit. Iniunat ko ang aking mga braso at hinayaang lumipad ang aking buhok. Sobrang sarap sa pakiramdam. Sana ay palagi akong nandito.

Mayroong apat na malalaking villa sa paligid pero ang pinaka nakaagaw sa aking atensyon ay ang pinakamalaki at puro gawa pa sa salamin ang buong bahay. Natanaw ko ang mga mamahaling gamit sa loob pero parang wala namang tao.

"Who are you?"

Para akong napako sa aking kinatatayuan ng marinig ang boses na iyon. Dinig na dinig ko ang paglakas ng tibok ng aking puso at ang kabang unti unting dumadaloy sa akin. Unti unti akong napalingon sa aking likod dahilan para lalong lumakas ang tibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay bigla na lang akong mawawalan ng malay.

"D-dylan."

High School Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now